Jennie's POV.
Kakatapos lang ng lunch namin at pabalik na kami sa room pero dumaan na muna kami ni Haley sa locker. Habang nag aayos ako ng gamit ko sa locker biglang may nag salita na talagang pamilyar na sakin.
" Iba na talaga ang mga tao ngayon no? Mga plastic na at sipsip". Saad ni Bella at saka sinarado yung locker nya at maarteng sinandal doon.
" It's true kambal. Akalain mo yun. Ilang taon syang nanirahan satin tapos wala pang utang na loob. Sya pa ang may lakas loob na lumayas". Sagot naman ni Belle.
" Hoy. Hoy. Kayo huh. Manahimik nga kayo pwede ba? Alam ko naman na pinariringgan nyo si Jennie kaya pwede manahimik kayo". Singit ni Haley habang dinuduro sya.
" Bakit may sinabi ba kaming pangalan? Wala naman diba?"
Ngumiti ng fake si Haley. " Tanga ba kayo o sadyang tanga na talaga kayo? Wala nga kayong sinabing pangalan pero halata naman na si Jennie ang pinaparinggan nyo. Sino pa bang lumayas sa inyo? Diba si Jennie lang naman? Alam ko naman na hindi nyo kaya dahil masyado kayong maarte". Saad ni Haley.
" Haley tama na". Pag awat ko.
" Alam nyo? Pareho kayong dalawa. Mukang walang pinag aralan. At lalo ka na Jennie. Sabagay hindi na ako mag tataka dahil wala ka naman talagang magulang. Yan siguro ang karma mo". Sabi ni Bella kaya nakuyom na ang kamao ko.
" Walang pinag aralan? Paano ako naging scholar? Kayo ang walang pinag aralan. May magulang nga kayo pero tignan nyo naman ang itsura nyo, walang wala sa pagiging scholar ko". Singhal ko.
" Hoy! Malaki ang utang na loob mo samin! Lalo na sa mommy namin. Pasalanat ka at binuhay ka pa ni mommy! Kung hindi".
" Kung hindi ano? Patayin na ako. Lumulutang na ako sa ilog? May utang na loob nga ako sa inyo pero matagal na akong bayad dahil sa pag papahirap nyo sa sakin". Sagot ko.
" Kayo ang may utang sakin dahil sa pera na pinag tatrabuhuhan ko. Wag kayong mag alala, babayaran ko pa kayo". Sabi ko bago kami umalis doon.~~~
Matapos yung panggyari kanina sa locker umuwi agad ako. Naging mabilis kasi ang oras. Umakyat muna ako sa taas at gumawa ng mga homework. Isang oras din ako nag aral at matapos nun naligo ako at habang naliligo ako hindi ko mapigilang maisip na, nagawa ko yung bagay na yun kanina.
" Great job, Jennie". Bulong ko sa sarili ko. Pag kababa ko naisipan kong tulungan sila Manang. " Manang ako na po dyan. Alam ko pong pagod na pagod na po kayo". Sabi ko Kay Manang habang nag hihiwa sya ng bawang at sibuyas.
" Ija, wag na. Magagalit pa si sir Third kapag nalaman nyang tumutulibg ka dito samin". Sagot nya pero umiling ako.
" Manang, wag po kayong mag alala. Kung magalit man po sya ako na po ang bahala sa kanya. Tsaka I insist, Manang. Ako na po ang bahala".
" Sige na nga". Pag payagan nya sakin
" Dyan ka muna huh? May kukunin lang ako". Sabi ni Manang kaya tumango ako. Habang nag hihiwa ako ng belt pepper ay bigla na lang akong napatigil at nakaramdam ng sakit." Shit..." Bulong ko. Ang sakit! Napatingin ako kay Bianca na nakangisi sakin.
" Sorry. Hindi ko sinasadya". Sabi nya pero alam kong walang sincerity. Alam ko naman na sinadya nya yun.
" O-okay lang". Utal kong sagot ko. Tumutulo na yung dugo ko sa sahig dahil malaki laki din ang sugat.
" What's happening here?" Bigla kaming napatingin kay Third na ngayon nakatayo sa harap namin. Napatingin sya sa kamay ko na may sugat ko kaya I immediately hide it.
" Fvck! What happen to you?" Tanong nya at dali daling akong nilapitan. Napatingin sya kay Bianca na ngayon na sa harap namin. " Pumunta ka sa sala. Mag uusap tayo mamaya". Mahinahon pero mariin nyang sabi. Umakyat kami sa kwarto nya at pinaupo ako." Hindi mo naman kailangan gawin to ehh. Kaya ko sarili ko". Giit ko.
" I know. Pero maupo ka parin". Sabi nya naupo sa tabi ko para gamutin yung sugat ko.
" Aray! Ahhhh!" Pag iinda ko sa sakit.
" Wag kang sumigaw". Saway nya sakin.
" Huh? Ehh nasasaktan ako". Sabi ko.
" Mas nasasaktan ako kapag nasasaktan ka". Seryosong sagot nya kaya napaiwas ako tingin. " Dyan ka lang, kakausapin ko si Bianca". Sabi nya kaya tumango ako. Pag alis nya nadon lang ako sa kwarto pero hindi ko din natiis at bumaba ako. Nakita ko sila sa sala kaya nag tago sa tabi nung halaman.
" Sir, sya naman ang may kasalanan
Sinugatan nya ang sarili nya". Sabi ni Bianca." Hindi nya pwedeng gawin sa sarili nya yun. Bakit nya naman gagawin yun?" Sagot ni Third. " Maybe I need to fire you". Dagdag ni Third.
" Sir, wag po".
" Third..." Napatingin sila sakin. "Please wag mong sisantihin si Bianca. Kasalanan ko naman ehh. Please". Pag mamakaawa ko. " Alam ko na hindi nya ginusto nyung nangyari". Dagdag ko.
Huminga sya ng malalim. " Fine. Pero Bianca wag mo na sanang ulitin". Sabi nya bago umalis. Lumapit ako kay Bianca para sana i-comfort sya ng tanungin nya ang braso ko.
" Wag mo nga akong hawakan! Ng dahil sayo muntik na akong masisante! Ewan ko ba kung anong ginawa mo kay sir at ganya sya ka protective sayo!" Singhal nya sakin.
" Ano bang sinasabi mo? Tinulungan lang naman kita para---"
" Hindi ko kailangan ng tulong mo! Dahil hindi ko kailangan ng isang katulad mo! Hindi ako pulubi na kaya mo lang ako tinulungan dahil naaawa ka sakin!" Sigaw nya sakin bago umalis.
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Teen FictionIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano