Jennie's POV.
Nanlulumo ang mga tuhod ko ngayon. Bakit? Bakit ngayon nya lang to sinabi sakin? Sinubukan nyang patayin ang sarili nya? Pero bakit?
" I... I tried to.. kill myself..." Bulong nya. " I-I'm sorry..."
" Sinubukan kong patayin ang sarili ko dahil sayo... Ganon kita kamahal, Jennie... Ang gag* right?... Siguro sa sobrang sakit hindi na kinaya ng puso ko... I'm really sorry".
" A-ako ang dapat mag sorry sayo... H-hindi ko alam. Sorry. Sorry. Kasalanan ko... S-sorry..."
" Nag s-sorry ka ba dahil muntik na akong magpa kamatay or dahil hindi mo ako gusto?" Tanong nya kaya napatigil ako. Hindi ako makapag salita. " I-It's okay... Naiintindihan ko... Diba sabi ko sayo... Mag hihintay ako. Kahit ilang miuong taon pa ang abutin... Hihintayin kita. I'm not forcing you to love me..."
Napalunok ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito. Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sya sakin.
" You can sleep now. I know your tired..." Bulong nya bago ako hinalikan sa ulunan. Nag lakad ako palayo sa kanya pero bakit bawat pag hakba ko sa kanya ang laki-laki ng kasalanan ko. " Jennie!" Napaharap ako ng sumigaw si Third. Hindi pa pala sya umaalis.
" I love you..."
~~~
" Ms. Lee! Nakikinig ka ba?" Nagising ako ng marinig ko ang pangalan ko. Na kita ko ang prof ko na naka taas ang kilay habang naka pameywang sakin.
" S-sorry ma'am... Masakit lang po ang ulo ko" Pag papaliwanag ko. Oo totoo naman yun. Ilang araw na kasi akong pagod dahil na rin sa event at sa nangyari kahapon samin ni Third.
" Ganon? Sige, baka mapano ka pa. Gusto mo bang pumuntang clinic?" Tanong nya kaya umiling ako.
" No". Napatingin kami sa nag salita at nakita ko si Third na ang sama ng tingin sa prof namin. Tumayo sya at pumunta sa tabi ko. " Let's go. Baka mapano ka pa..." Sabi nya at hindi man lang nag paalam sa prof namin. Nag lalakad lang kami. Sa totoo lang ayoko talaga pumuntang clinic pero ano pa bang magagawa ko. " You sure that youre fine?" Tanong nya bigla sakin.
" Uhh. Oo naman. Pagod lang siguro".
Sagot ko sa kanya." Gusto mo bang mag skip na lang ako ng klase para maalagaan kita?" Tanobg kaya umiling agad ako.
" Hindi. Okay lang ako". Sabi ko at pilit na ngumito. Sa totoo lang kanina pa ako nagugutom at kulang pa ako sa tulog. 3am na rin akong nakatulog kagabi at 6am pa ako nagising. Hindi din akong nakakain dahil wala akong gana. Ngayon ang sakit sakit ng ulo ko.
" O-okay ka lang?" Tanong sakin ni Third kaya mas lalo aking napakapit sa braso nya. Ang sakit na talaga ng ulo ko. Umiikot na rin ang paningin ko.
" Jennie! Jennie! Hey! Wake up! Jennie!"
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at ilang ulit pa akong napapikit dahil sa liwanag na nakikita ko. Urrgghhh! Ang sakit sa mata. Ginala ko ang mga mata ko at nakita ko si Haley, Yuan at si Third na nakaupo. Umupo ako sa pag kaka higa ko at doon nila ako napanasin. Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng hindi lang pala sila ang nandito. Kung hindi lahat ng Bad devil man. What's happening?
" Jennie! Ayos ka lang ba? Akala ko na pano ka na?" Halata kay Haley ang pag aalala sa tono palang ng boses nya.
" Ayos na ako. Sorry". Sabi ko.
" Okay ka na?" Tanong naman sakin ni Yuan. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
" Glad youre okay... Pinag alala mo ako..." Sabi ni Third sakin.
" Bakit kasi kasama mo tong lalaking to?" Napatingin ako kay Yuan ng marinig ko ang boses nya na may pagka irita.
" So? Ano naman? Baka hindi mo kilala ang kausap mo?" Sagot naman ni Third.
" Wala akong balak kilalanin ka. Dapat ilayo sayo si Jennie ehh. Napapahamak sya kapag panay ka nyang kasama". Giit ni Yuan kaya nag titigan sila ng masama.
" Pwede bang tumigil kayo? Ang laki laki nyo na nag aaway pa kayo. Para kayong mga bata. Intindihin nyo na lang si Jennie... At kayo dyang mga kupal kayo". Giit nya at tumingin sa Bad devil man. " Lumabas muna kayo pwede? Ang sikip sikip na nga dito. Mag kukupulan pa kayo dito". Dag dag naman ni Haley.
" OA mo namam. Akala mo naman close tayo". Sabi naman ni Kurt.
" Shut up, Kurt. Sige na. Lumabas muna kayo". Sabi naman ni Third.
" Sige na nga." Sagot na lang ni Kurt. Nag silabasan sila isa isa.
" Okay ka lang Jennie?" Tanong ulit sakin ni Haley kaya tumango ako ulit. " Sabi ng nurse na kulang ka raw sa tulog, at hindi ka daw nakakakain ng maayos kaya ka nahimatay kanina. Wag mo naman pabayaan yang sarili mo. Ako ang nagiging OA sayo ehh. Kumain ka raw sa tamang oras and kailangan mo raw mag pahinga ng ilang araw... Okay lang naman daw yun". Pag papaliwanag nya kaya tumango ako. Napatingin ako sa dalawang nasa harap ko habang ang sama parin ng tingin nila sa isa't-isa. Tumingin ako kay Haley at pinanlakihan sya ng mata. Mukang na gets nya naman ang ibig kong sabihin.
" Uhhh. Oyy, kayong dalawa dyan. Bili nyo ng pag kain si Jennie. Para makakain sya". Singhal ni Haley sa kanila.
" What?!/ What?!" Pareho nilang sigaw samin.
" Mag rereklamo pa kayo dyan ehh nahimatay na nga tong kaibigan ko. Bilisan nyo na".
" Bakit kailangan kasama pa sya?" Tanong ni Third.
" Yeah right".
" Ehh sinong gusto nyong kasama yung nurse? O sige puntahan nyo sya dun, tapos hatiin nyo yung katawan nya para may kasama kayong pareho". Pamimilosopo ni Haley kaya natawa ako ng mahina.
" K, fine. Ito na". Sabi ni Yuan. " Let's go, THIRD". Bago pa sila umalia ay natawa ako dahil sinadya ni Yuan na diinan ang pangalan ni Third. Those guys...
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Teen FictionIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano