Someone's POV.
" Gag* ang isang yun! Bwisit! Nalaman pa nila amg plano natin!"
" Insan relax ka lang..."
" Boss, kung gumawa ulit tayo ng bagong plano... Wala naman masama hindi ba?" Napatingin ako kay Johnny.
" Wag mong sabihing..."
" Kailangan natin syang idamay". Sabi ko sa kanya.
" Insan! Ano ba! Diba nag usap na tayo? Ano to?" Tanong nya habang naiinis.
" Johnny makinig ka! Sa oras na hindi natin sya dinamay magiging bida na naman si Third sa buhay nya! Ayaw mo ba nun? Sa oras na dinamay natin sya ikaw ang magiging bida sa kanya. Sa oras na napatay natin si Third, pwede na kayong mag sama. Pwede ka na nyang mahalin". Paliwanag ko kaya natagimik sya.
" Pero..."
" We have no choice. Mamili ka. Ikaw ang kawawa o sya ang kawawa..."
Jennie's POV.
Busy ako sa coffee shop ngayon dahil kailangan kong bumawi. Halos 3 moths din akong nawala. Na miss ko yung coffee shop. I reallt do...
" Charlotte?" Tawag ko sa pangalan ng babae. Dumating naman yung babae at ngumiti sakin.
" Masasabing kong tama sya ng pag pili sayo". Sabi nya kaya nag taka ako.
" Sorry, ako ba ang kausap mo?" Tanong ko.
" Yes, sorry ako nga pala si Charlotte..." Pag papakilala nya kaya agad kong inabot ang kamay nyang naka lahad.
" Jennie". Pag papakilala ko naman.
" I know". Sabi nya kaya mas lalo akong nag taka.
" Yuan told me". Dahil sa sinabi nya ay nagulat.
" You know him?"
" Yes, he's my boyfriend". Sabi nya kaya mas lalo akong nagulat.
" Wait what? How far?" Tanong ko.
" Pwede ko bang hiramin ang oras mo?" Tanong nya kaya tumango naman ako.
" Four weeks na kami. Yes, bago lang pero he prove to me na kaya nya pang mag mahal after what happened... Palagi nya akong kinukulit at syempre ako marupok. Labis yung sakit nya ng mag bakasyon sya sa probinsya namin. Pero ng dahil sakin nagawa nya pang mag mahal. Akala ko nga noon panakip butas nya lang ako pero hindi pala..." Kwento nya ng pag ka upo namin.
" I'm really thankful na nakilala ka nya". Sabi ko. " Nandito ba sya?" Tanong ko.
" Wala sya dito ehh. Nag punta lang ako dito para talaga makita ka sa personal... Kung gusto mo, ibibigay ko ang number nya sayo. Tawagin mo na lang sya... Hindi naman akong selosang girlfriend unless kapag nang hihinala na ako". Sabi nya kaya natawa kami pareho.
" Thank you... Yuan is really a nice man. Minahal nya ako na hindi ko man lang alam. Naging bulag ako noon. Pero hindi ko pinag sisihan ang pag pili sa lalaking mahal ko ngayon..."
" May problema ba?" Tanong nya.
" Wala naman. Paki sabi kay Yuan na miss na ko na sya ahh. Sana sa susunod mag kita kami... I'm hoping". Sabi ko at ngumiti.
" Makaka asa ka..." Sabi nya. Nang maka alis sya. Nag patuloy ako sa pag tatrabaho hanggang sa matapos ako. Gabi na rin, kinuha ko ang phone ko sa bag at hindi nag dalawang isip na tawagan si Yuan.
" Bakit patay ang phone nya?" Tanong ko sa sarili. Dahil hindi ko naman sya matawagan ay nag message na lang ako sa kanya.
Yuan, it's me Jennie. Kamusta ka na? Miss na kita alam mo ba yun. Halos wala na akong balita sayo. Mag pakita ka naman please... I really need you right now..."
Matapos nun ay umuwi na rin ako. Pag pasok ko sa bahay ni Third ay nag pakawala ako ng isang malalim na hininga. Bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon?
" Ija, nandito ka na pala. Kumain ka na ba? Tara na". Sabi ni manang kaya ngumiti ako.
" Si Third po ba nandito na?" Tanong ko.
" Wala pa sya ehh. Kumain ka muna". Sabi nya kaya tumango na lamang ako. Matapos akong kumain ay umakyat naman ako sa kwarto ko, nag palipas ng oras at nag paghinga na rin hanggang sa dalawin ako ng antok.
~~~
" Table six, Jennie". Sabi ng isang ka trabaho ko kaya agad kong kinuha ang mga order nila. Medyo maraming tao ngayon sa coffee shop kaya busy kami ngayon.
" Enjoy po". Sabi ko bago umalis. Kahapon ko pa na text si Yuan pero hanggang ngayon ay wala akong natatanggap na kahit text mula sa kanya.
" You mean, may bagong kang number ni Yuan?" Tanong sakin ni Haley.
" Oo nga. Kaya lang hindi nya pa ako sinasagot ehh. Kahit text wala". Matamlay kong sagot.
" Owww, okay lang yan. Maganda ba yung bago nyang girlfriend?" Tanong nya.
" Oo naman. Ibang iba sya sayo". Sabi ko.
" Oh! Bakit ako? Hindi ba pwedeng sayo? Pero alam mo, nakaka pround yang si Yuan, kasi matapos yung nangyari sa kanya nagawa nya pa ring mag mahal". Tumango tango ako. " Kaya tayong dalawa, back to work na! Baka mawalan pa ako ng trabaho ehh". Sabi nya kaya natawa ako.
Bumalik kami sa pag tatrabaho kaya ako naman ang naatasan sa counter.
" Good day sir? Ano pong order nyo?" Tanong ko habang hindi naka tingin sa kanya dahil may inaasikaso ako.
" Isang ice coffee latte, large". Sabi nya kaya agad akong kumuha ng isang cup.
" Name po?" Tanong ko.
" Yuan... Yuan Dave..."
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Teen FictionIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano