Jennie's POV
Lunch namin ngayon kaya lang ako lang ang mag isa dahil si Haley ay nag puntang restroom. Tahimik lang akong kumakain habang maingay naman ang buong cafeteria.
Napatingala ako ng biglang may sumulpot na braso sa lamesa.
" Hiwalay na kayo ni Third, right?" Maangas na tanong ng babae. Sino ba to?
" Right..." Sabi ko.
" Good. Bakit kayo nag hiwalay? Lumandi ka ba sa ibang lalaki?" Sunod sunod nyang tanong. " Or baka naman gold digger ka lang? Or habol mo lang sa kanya is s*x?"
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa mga sinasabi nya. Dahil ang totoo naman ay lahat ng yun ay kasinungalingan lang.
" Una sa lahat... Sino ka ba? I don't even know you. Sino ka, para pakialaman ang buhay naming dalawa? Oo nag hiwalay kami ni Third dahil may sari-sarili kaming dahilan. Actually hindi dapat ako nag papaliwanag sayo. Kung gold digger ako edi sana una pa lang ako na ang gumawa ng first move. At kung s*x lang ang habol ko edi sana naging katulad mo na ako. May pinag aralan ako. At hindi ako ganoong klaseng babae". Sagot ko.
Nag hiyawan naman lahat ng nasa cafeteria kaya napunta doon ang atensyon ko. Tinignan ko yung babae at mulang napa hiya naman sya.
" Hoy! Bakit mo inaaway ang kaibigan ko! Haliparot kang gaga ka! Ano?!" Agad ko naman pinigilan si Haley. Baka kung saan pa ito mapunta. " Hoy babaita ka! Mag tago ka na sa kanunununuan mo dahil lahat ng baril namin sa bahay ay talagal ipuputok ko sayo! Hala sige! Alis! Pakyu ka! Lakas ng loob mong sugurin ang kaibigan ko! Tiklop ka naman". Sabi nya.
" Haley. Ano ba, tama na". Suway ko sa kanya. " Ang daming naka tingin satin ohh".
" Yun kasi ehh". Reklamo nya. Nang maka layo na kami ay ngumiti na lang ako kay Haley.
" Thank you..." Sabi ko.
" Huh? Para saan?" Tanong nya.
" Palagi ka kasing nandyan sakin ehh. Ikaw yung palaging kong karamay. Kaya thank you. Mahal na mahal mo talaga ako". Sabi ko.
" Maiiyak na ba ako nyan?" Tanong nya kaya natawa ako .
" Para kang sira".
Matapos ang klase ay naisipan kong mamasyal muna sa mall. Nag simba na rin ako kanina dahil ang tanggal ko na rin hindi nakapag simba.
" Miss? Pwede maki upo?"
" Ahh oo---" Napatigil ako ng makita ko lung sino ang nasa harap ko.
" Suprise..." Banggit nya.
" Akala ko kung sino. Kamusta ka na Yuan?" Tanong ko.
" Okay naman. Gwapo pa rin". Pag bibiro nya.
" Ang lakas naman ata ng hangin dito. Anyway? Kumain ka na ba?" Tanong ko.
" Hindi pa. Dapat kakain na ako kaya lang nakita kita dito kaya naman pumunta na rin ako".
" Ahhh. Gusto mo sabay na lang tayong kumain dito?" Tanong ko pa.
" Libre mo?" Balik na tanong nya.
" Oo na lang". Sabi ko at ngumiti.
~~~
Lumipas ang sabado at linggo na boring. Walang ganap. Buti na lang at lunes na ulit.
" Jennie, mauna na ako sa klase ahh. Ano bang kasing kukunin mo sa locker?" Tanong sakin ni Haley.
" Kukunin ko lang yung libro na naiwan ko". Sagot ko.
" Ganon ba? Samahan na kita". Tumango naman ako. Medyo maraming pang tao ng maka rating kami sa locker ko. Pag bukas ko sa locker ay may roong box doon. Nag taka naman ako kung bakit nandito sa locker ko yun.
" Alam mo ba kung kaynino to?" Tanong ko kay Haley.
" Huh? Hindi". Sagot nya. Pag bukas ko ay napa tili kami ni Haley sa takot. Oh god! Sino ang gagawa sakin nito.
" My god! Bakit may patay na pusa dyan?! Nakakatakot naman!" Sigaw ng isa. Agad naman nag bulong bulungan ang iba ngunit wala ang atensyon ko dun. Natatakot na ako. Hindi na biro to.
" What's happening here?" Nakita ko si Third at ang mga ibang kasamahan nya. Tinignan nya ang nalaglag na box at tumingin maman sakin. Alam kong nakikita nya ang takot sa mga mata ko. Hindi ko maitago ang mga takot sa mga mata ko.
" Dude... I think kumikilos na ang kalaban natin..." Rinig kong sabi ni Kurt.
" I know..." Sagot naman ni Third bago sya tumingun sakin.
Third's POV.
Mag isa lang ako sa tambayan namin habang malalim na nag iisip. Alam kong nasa panganib na ang buhay ni Jennie, umpisa pa lang. Bukod sa tatay nya si Tito nag karoon din naman kami ng relasyon. Kahit gusto ko syang yakapin kanina ay pinigilan ko. Kitang kita ko ang takot sa kanya kanina.
Napa tigil ako sa pag iisip ng biglang may ring ang phone ko. Unknown...
" Sa tingin ko alam mo na ang nangyari kay Jennie". Bungad nya.
" Fvck you..." Mariing bulong ko.
" Chill... Alam kong kilala mo na ako Third. At alam mo kung ano ang kayang kong gawin matapos mong malaman ang totoong ako... Paano kaya yun ano? Na one day makikita mo na lang Jennie na naka tali at nag mamakaawa. At ikaw walang magawa dahil katulad nya naka tali ka din... Then kayong dalawa ay unti unti naming pinahihirapan hanggang sa mamatay kayo... That will be fun".
" FVCK YOU! FVCK YOU VINCENT!" Sigaw ko mula sa telepono.
" See you..." Tumawa pa sya na tila natutuwa bago patayin ang tawag. Nabato ko naman ang phone ko at napa sabunot sa sarili. Gag* talaga ang isang yun. Matapos naming malaman na si Vincent ang kalaban namin ay hindi din kami maka paniwala sa mga info na nalaman namin sa kanya. Pinatay ang daddy nya sa grupo na hinawakan ko ngayon dahil sa pag tataksil at pangunguha ng pera ng patalikod. Kaya naman labis ang galit nya samin at kay tito.
Nag pa ampon sya sa isang mayamang lalaki at isa ding masama kaya naman ng mag karoon ng tiwala ang tatay- tatayan nya sya naman ang namuno dito.
Kailangan kong bantayan si Jennie, as long as possible.
BINABASA MO ANG
Living with the Gangster
Teen FictionIsang mundo na hindi ko ginustong pasukan @Taetae_mariano