Chapter 2

3.2K 91 2
                                    

Jennie's POV.

Matapos yung pangyayari kanina mula sa cafeteria kanina ko pa naririnig na pinag uusapan pa rin nila yun. Sinabi ko na rin yung totoo kay Haley at hindi sya makapaniwala nung sabihin ko sa kanya yun.

" Hindi ako makapaniwala... Pero bakit ka nya naman tutulungan?" Tanong nya pero nagkibit balikat lang ako.

" Hindi ko alam pero kailangan ko syang makausap". Sabi ko na lang.

" Nahihimang ka na ba?" Tanong ni Haley.

" Para matigil na agad 'to". Mabilis na sagot ko at umalis. Hinanap ko si Third pero kahit anino nya hindi ko makita. Saan naman kaya pwedeng pumunta yun? Bigla ko naman nakita yung isa sa ka grupo nya kaya nilapitan ko sya. " Excuse me? Alam mo ba kung nasan si Third?" Tanong ko sa kanya.

" Bakit?" Tanong nya.

" I wanna talk to him". Sagot ko. Pero bago pa sya makasagot may nag salita sa likod ko.

" Why do you want to talk to me?" Napalingon naman ako at nakita ko si Third na malamig na nakatitig sakin. Sinenyasan nya naman yung kanina kong kausap na umalis at sinunod nya naman si Third.

" Bakit mo ginawa sa kanya yun?" Tanong ko.

" Do what?" Maangmaangngan nya.

" Wag ka na nga mag patay malisya. Bakit mo ba ginawa sa kanya yun? Hindi mo naman ako kailangan tulungan". Sabi ko sa kanya habang may halong inis yung boses ko.

" Who said that I'm helping you?" Tanong nya kaya natahimik ako. " I'm not helping you, I just do that because I want to". Dagdag nya na kinalaglag ng panga ko. Ginawa nya lang yun sa babae dahil gusto nya.

" Alam mo bang bullying yang ginagawa mo". Sagot ko sa kanya at hindi ko pinahalata ang pag gulat ko sa sinabi nya.

" I don't care... Gusto mo isunod kita". Pag babanta nya kaya napa scoff ako.

" Are you blackmailing me? Baka nalimutan mong may kasalanan ka pa sakin". Sagot ko sa kanya. Hindi ako mag papatalo sa isang katulad nya na puro lang alam ay makipag away.

" Is that the kissed?" Bulong nya mula sa tenga ko kaya nag sitayuan ang balihibo ko sa batok ng naramdaman ko yung mainit nyang hininga. Napa atras ako ng lumapit sya sakin. Naramdaman kong napasandal na ako sa pader. He put his lips on my lips that made me shock. Ang diin diin nyang humalik ng kagatin nya ang labi ko at naramdaman kong nag dugo. I'm trying to push him but his to strong. Kusang syang humiwalay sakin at agad ko syang binigyan ng malakas na sampal.

" You jerk! Ang kapal mong halikan ako! Hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka! Ano bang problema mo at bakit kailangan mo pa akong idamay?! I hate you! I really hate you!" Sigaw ko sa kanya at nakita ko sa mga mata nya ang galit at.... Lungkot? Nagulat naman ako ng halikan nya ulit ako at this time mas madiin. Pilit ko syang tinutulak hanggang sa tumulo na ang luha ko. Humiwalay sya sakin ng na realize nyang umiiyak na ako.

" I-i'm s---" Bago pa sya mag salita agad akong umalis doon. Nag punta ako sa restroom at pinatigil yung pag iyak ko. Kahit masakit yung labi ko pumasok parin ako sa coffee shop.

" Anong nangyari sa labi mo?" Tanong ni Haley.

" W-wala 'to. Wag mo ng pansinin nasaktan lang ako ng tita ko". Pag sisinungaling ko Kay Haley.

" Naku yang tita mo talaga sadista. Sa oras talaga na saktan ka nya na mas malubha pa dyan hindi ko na pipigilin yung sarili ko na saktan nyan". Singhal ni Haley. Kinuha ko naman yung shake na order at lumabas para hanapin yung taong imurder nun.

" Sir, here's your shake". Bati ko sa lalaking costumer namin pero pag kalapag ko palang ng shake nya nagulat na ako ng makita ko kung sino yun. " What are you doing here?" I ask him.

" I'm sorry about what happens earlier... I didn't---"

" If your trying to say sorry to me I'm sorry pero hindi ko kayang tanggapin yun. You know why? Because your such a jerk. Will you excuse me. May trabaho pa ako". Sabi ko at aalis na sana ng hawakan nya yung kamay ko at may binigay syang maliit na bagay bago umalis. Pag ka alis nya tinignan ko kung ano yung binigay nya sakin at nakita kong gamot para sa labi.

Pag kauwi ko ng bahay mapansin nila Bella at Belle yung sugat ko sa labi. Kaya bago pa ako makalakad ng tuluyan hinawakan ni Belle yung buhok ko at pinalapit sa kanila.

" Anong nangyari Dyan?" Tanong nya.

" Sumagot ka naman. Ano kami nakikipag usap sa hangin?" Maarteng sagot naman ni Bella.

" Wala 'to nabato lang ako ng matigas na bagay kaya nag dugo". Pag sisinungaling ko naman.

" Mag luto ka na nga! Nagugutom na ang maganda". Sabi naman ni Belle at nag flip ng hair.

" Excuse me~ ako kaya yun". Sabi naman ni Bella.

" You wish ako yun". Sagot naman ni Belle at again na nga nag sumbatan na sila. Umakyat muna ako sa taas para magpalit at agad din akong nag luto. Kukain kami ng biglang mapansin naman ni tita yung sugat ko.

" Anong nangyari Dyan?"

" Nabato daw sya ng matigas na bagay". Singit ni Belle.

" Totoo?"

" Opo. Aksidente lang po yung nangyari". Sagot ko. Nang matapos kaming kumain katulad ng dati ako parin yung nag hugas ng Plato. Ginawa ko na rin yung mga assignment at activity ko. At ang kapal din naman ng kambal kong pinsan dahil sila pa ang may lakas loob na kumopya.

Living with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon