Para sayo ba ay isa syang libro
Na agad mong hinusgahan sa unang pagtatagpo
Dahil ba sa panlabas nyang anyo?
Bakit di mo buklatin ito?
Nang malaman at makita mo ang tunay nyang pagkataoSya'y maganda ng higit pa sa iyong inaakala
Hindi nagmamaganda -
Pero puno ng pagpapakumbaba
Hindi perpekto pero isa lang ang sinasamba -
'yon ang Diyos na may likhaSya'y naiiba at nag-iisa
Sa mundong ibabaw -
ikaw ay wala nang makikitang kagaya nya
Sya'y di kagaya ng ibaNa hihilain ka pababa
Makita lang pagbasak mo sa lupa
Hanggang hindi ka na makatayo pa
Sa halip ika'y igagalang at irerespeto ka pa nya -
Kahit ano ka paAng bawat salita na nakalapat sa pahina ng buhay nya
Ay nagpapakita ng pagsubok na hinaharap nya
Ito nagsisillbing lakas nya
Na matuto sa bawat leksyon ng problemaNasasaad sa mga yan ang mga pinagdaanan nya
Kung paano nya nilampasan ang lahat ng sakuna
Upang magpatuloy at piliing maging masayaPag nabasa mo ang kanyang kwento
Ikaw ay mamangha dito
Dahil ang halaga nya'y higit pa sa ginto
Na kailanman hindi matitibag ninuman
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poetry(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...