"Hanggang dito na lang"

172 2 0
                                    

Araw-araw nakikita ko kung gaano ka kasaya
Lalo na't sya ang iyong kasama
Mukhang ikaw ay kuntento na
Lalo na't ikaw ay nasa init ng yakap nya

Mukhang wala na akong halaga
Dahil sya na ang bago mong sinisinta
Sana madali lang kalimutan ka
Nang hindi na ako masaktan pa

Paano mo ako nagawang saktan?
Ano bang balak mo?
Sana nilinaw mo ang lahat noong una pa lang
Bakit hindi ka nagsabi ng totoo?

Mahal pa naman kita kaso sinaktan mo ko
Mga tiwala ko sayo'y nagbago
Sa likod ng mga panaginip ko may alaalang nakatago
At sa likod ng mga ngiti ko may lungkot na hindi naglalaho

Kaibigan lang pala ang gusto mo
Pero bakit iba ang kinilos mo sa sinabi mo
Napakalayo ng pinag-kaiba
Nais mo lang talaga akong umasa

Sinungaling ka, hindi totoo na ako ang babaeng iniingatan mo
Dahil ang totoo sya talaga ang mas mahalaga sayo
Ngayong wala na akong saysay sayo, nagagawa mo pa rin paasahin ako
Pero hanggang doon na lang 'yon dahil, natauhan na ako

Bumagsak man ang ulan sa kalangitan
At kahit maiwan akong luhaan
Hinding-hindi ako yuyuko sa kalupaan
Para lang ako'y iyong balikan

Maubos man ang dahon sa kakahuyan
Hinding-hindi na ako mag-aasam ng pag-ibig mo
Matuyo man ang mga batis sa katubigan
Hinding-hindi ako magsusumamo sayo

Mawalan man ng boses ang aking lalamunan
Hinding-hindi ko na bibigkasin ang salita ng kasinungalingan
Mawala man ako sa katinuan
Hinding-hindi na ako hihiling na ika'y mapanaginipan

Sapat na ang oras at araw na ginugol ko
Para ipagpatuloy pa ang pag-ibig ko sayo
Nais kong ibaon sa limot ang lahat
Dahil ang minsang araw na nagkakilala tayo ay aking pinagsisihan ng todo-todo

Simula sa araw na 'to hindi na kita kilala
Kaya kakalimutan kita na walang luha sa mga mata
Hindi na muling papatak ang luha
Dahil ang pasakit na dala mo ay tapos na

Hanggang dito na lang ako
Patawad hindi ko kayang magpanggap na kaibigan lang sayo
Higit pa doon ang nais ko
Sana maintindihan mo na nagpapakatotoo lang ako sa nararamdaman ko

Ang minsang pag-ibig na ipinagtapat ko sayo
Ay totoo at walang halong biro
Buong puso kong sinabi sayo
Hinugot ko pa ang lakas na bigkasin yon mula sa pinaka-sulok ng aking puso

Kay sakit lang nang malaman kung nabigo ako
Hindi ako ang nagwagi sa puso mo
Akala ko maayos tayo
Akala ako nagkakaintindihan tayo

Yon pala hindi, sa tagal na hindi kita nakita
Iba na pala ang iyong kinikita
Iba na rin pala ang iyong ginagawa
Ako na lang pala isa ang umaasa

Sana mas maaga mong sinabi sa akin
Nang sa ganoon hindi nagbago ang aking tingin
Mas nakikita ko pang mas gusto mo talaga akong paasahin
Kesa sabihin sa akin at akoy mahalin

Ang tagal nyo na palang dalawa
Pero bago ko lang napag-alaman
Hindi ko man lang natunugan
Hindi ko manlang namalayan

Buti na lang mabuti ang diyos at gumawa sya ng paraan para malaman ko
Kusang mga mata ko't isipan ang nakatuklas ng lahat
Tila ba nang makita ko kayo ay naghalo ang asukal sa tubig na maalat
Hindi ko maipinta ang sakit sa halip ay sobrang pait

Wala akong mukhang ihaharap
Hindi na rin naman ako masaya na makita ka
Kahit pa sa bawat pagkurap
Hindi na gustong masilayan ka

Nasasaktan ako na nakikita kang masaya
Habang ako nagdadalamhati sa inyong dalawa
Mapalad ka dahil nagagawa mo pa ring tumawa
Paano naman ako na nagpakatanga? Hanggang doon na lang ba?

Hindi alam ang tumatakbo sa isipan mo
Kung may kakayahan lang ako, hindi ako mag-aatubiling silipin ito
Nang sa ganoon makagawa ako ng aksyon sa gagawin mo
Ihahanda ko ang sarili ko sa kasinungalingan mo

Ang lakas pa ng loob mo na tanungin ako kung bakit ako galit?
Bakit nga ba? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?
Wag kang tumingin sa akin na tila ba nagpapaawa ka pa
Wag mong hahaplusin ang kamay ko kung wala kang balak na hawakan ito

Wag mong bibigkasin ang salita na kasinungalingan
Kung wala kang balak na panagutan
Wag mong sasabihin ang "mahal kita"
Kung ang dulot ay sakit lang din pala

Kung wala kang balak saluhin ako
Sana noon pa nilinaw mo
Sana hindi ka nagpakita ng motibo
Nang sa ganoon hindi ako naging interesado sayo

Napakasakit na ang pinangarap kong ikaw
Ay naglalaho na lang noong isang araw
Mas lalong napalayo kitang tinatanaw
Hindi na magtatagal, ikaw ay hindi na makakasama balang araw

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon