Isang letra ang malapit sa puso ko
Si "L" na hindi ako gusto pero mahal ko
Matagal ko nang tinatago 'to
Pero ngayon handa na ako
Ikaw "L" yong larawan na gusto kong makita
Ikaw 'yong musika sa pandinig na hindi nakakasawa
Ikaw 'yong orasan na nagpapabagal ng mundo ko
Ikaw "L" yong pabango na hinahanap-hanap ko
Ikaw 'yong lugar na binabalik-balikan ko
Ikaw 'yong bagay na gusto kong regalo
Ikaw 'yong panaginip na gusto kong magkatotoo
At ikaw 'yong taong pinagdadasal ko
Dumating ka sa akin na parang biro
Parang di tama pero ako'y nagseryoso
Hindi dapat nakipaglaro -
Nang hindi nadapa't nabigo
Nagalusan at dumugo;
Umiyak nang todo;
Napunit ang puso
Pero ngayon muling nabuo
Hindi na malilito sa salitang kaibigan at estranghero
Hindi mo ko kaibigan mas lalong di mo ko kasintahan
Kita mo ang labo, malabong magka-tuluyan tayo
Ngayon pa na, sya na ang minamahal mo,
Bakit ba ako sulat ng sulat tungkol sayo?
Eh bulag ka naman para mabasa 'to.
Hindi pa ako tumatalon, nahulog na ako
At sa isang iglap nauntog pa ako.
Alinman sa kagustuhan ko
Ay walang nagkatotoo
hindi ako magrereklamo
alam kong sya ang ligaya mo
Nakakahilo pero agad akong bumalik sa katinuan
Paikot-ikot na karanasan, kailan kaya mawawakasan?
Gusto ko tumakas sa sarili kong tanikala
At yakapin ang bulong ng tadhana.
Huli na to!
Hindi na ako natutuwa.
Ang corny ko na po sobra.
Sabagay corny naman talaga kapag nagmamahal, 'di ba? Yehiiii :)

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poetry(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...