Babae

10 0 0
                                    

🥀

naglayag ang kaisipan sa laot
di mapalagay at takot ang bumalot
nalunod ngunit aahon
hinampas man ng alon, sya'y babangon

makailang beses na itinapon
di mawaksi, wari'y tinangay ng kahapon
nagpadala sa agos
mga luha nya'y bumuhos

araw sa liwanag ay sumibol
puso'y ginising nang huning sumipol
lulubog, lilitaw,
ngalan mo ang aking isisigaw

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon