Hindi na muling iiyak
Dahil ito na ang huling patak
Ng puso kong wasak
Ilalabas na kahit ang huling latakHindi na muling iiyak sayo
Dahil ito na ang paglimot ko
Magsisimula na ako sa buhay na gusto ko
Muling babalik sa dating akoSalamat dahil natuto ako
Salamat dahil muli akong nagkaroon ng dahilan na gawin 'to
Sayang lang dahil hindi mo na mababasa pa ang
-mga tulang ginawa ko para sayoPasensya na dahil nagalit ako sayo
Intindihin mo na lang sana-
Ganito lang talaga ako
Dahil kahit hindi naging tayo-
Minahal kita ng totooMinahal kita ng totoo
Nang higit pa sa iniiisip mo
Ngayon nandyan na sya sa piling mo
Alam ko na masya ka na.Magkita man tayo sa daan
Wag mo na lang ako pansinin
Magpanggap ka na estrangero
Dahil 'yon din ang gagawin koMabuti nang ganito
Tahakin nating ang magkahiwalay na daan
Kahit na minsan tayong dumaan dito ng magkasama
Dahil hindi natin maiiwasan na muli itong magsasangaKung hindi na muling magtagpo
Siguro'y mas magandang magkalimutan na lang tayo
'yong ang pinakamagandang gawin
Lalo na't di pa ako handang patawarin kaMasaya na ako ngayon
At mukhang ganun ka din naman
Kaya ano pa bang magagawa ko kung puso nyong dalawa ay iisa na
Hindi na ako eeksena pa~~
Sorry, medyo sabaw na sya, tamad na kasi ako sa kanya hihi :)
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poezja(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...