Hiya
4 na letra
Isang salita
'Yan ang una kong naramdaman sa unang pagkikita
Hindi pa kita lubos na kilala
Hindi pa din tayo komportable sa isat-isa
Pero akalain mo yun, pusot-isip pala natin ay magtutugma
Pinagtagpo tayo ng mga kanya-kanya nating nga tadhana
Upang damayan ang isat-isa sa lungkot man o ligayaParang isang blangkong papel na nagkaroon ng kulay ng ito'y pintahan Dahil sa walang katapusang kasiyahan
Sa lahat ng ating pinagsamahan
Isali mo pa ang mga kalokohan
Na minsan nating pinagsaluhanKaibigan ko, naaalala mo pa ba nung nasa daan tayo
Naging dahilan para pagkakakilala ko sayo ay lalalim ng husto
Mga kwentong ibinahagi mo
Tumatak ng sobra sa isipan ko
At nagbigay ng aral sa buhay koTawanan, harutan at asaran
Kay sarap balik-balikan
Na kahit bahagi na ng nakaraan
Kailanman, hindi magagawang kalimutanKaibigan ko,
Ikaw yung palaging takbuhan ko
Ikaw yung palaging nariyan sa tabi ko
Ikaw yung nagbibigay payo sa tuwing nasasaktan ako
Ikaw yung isa sa mga nagpinta dahilan paran magkaroon ng kulay ang buhay ko Ikaw yung minsang binatukan ako dahil sa katangahang ginawa ko
Ikaw yung sinesermonan ako sa mga kadramahan ko
Ikaw yung isa sa mga taong nagpapalakas ng loob ko
Ikaw yung bumubuo at komu-kompleto ng oras ko
Ikaw yung kasama ko sa pagtupad ng mga pangarap koAt higit sa lahat ng nabanggit ko, IKAW yung masasabi kong totoong tao dahil ni-minsan hindi mo ko niloko.
Ngunit, ritmo ng kwento to ay magbabago
Tila ba tuwid ng linya ay biglang naliko
Isang balitang nanggaling sayo
Balitang, ikaw ay lalayoNakakabigla ang desisyon mo
Pero batid ko na pribado ang dahilan mo
Subalit nirerespto ko ito
Mga luhang pinipigilang tumulo
Hindi magawa pagkat nahihirapan akoPero ayos lang okay ako!
Basta kaibigan ko, wag mong kalilimutang iMensahe ako, tawagan ako at alalahanin mo ang mga panahon na minsang naging parte ako ng buhay mo
Asahan mo
Na kahit ikay nasa malayo
Walang magbabago
Aasa ako na muling magtatagpo sa dulo
Ang minsang linyang naliko ay didiretso
Ang tauhang "IKAW" sa kwento ay mulinh maitatala sa papel na blangko.Sa muling pagsilip ng bahaghari
Ang mga pangarap natin ay di lamang sa panaginip mangyayari.

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poetry(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...