Sa isang papel na blangko
Isusulat kong muli ang ating kwento
Kwento na sabay nating binuo
Binuo... nang minsan tayong pinagtagpoO diba't kay saya ng ating simula
Tila ba pag-ibig na sa atin ay di mawawala
Oh diba't ang tamis ng pagmamahalan nating dalawa
Tila sa atin ay walang sinuman ang makakasiraMula sa kawalan akoy iyong hinawakan
Sabi mong di mo ko bibitawan
Sa lamig ng panahon akoy iyong hinagkan
Init ng pagmamahalan ay aking naramdamanAng mga ngiti na di mapawi-pawi
Ang salitang tayo na sa atin ay nakatali
Ang saya't kilig na sa akin ay bukod-tangi
Ang mga ito ay babaunin ko hanggang huliIkaw ang aking naging balikat
Nang talikuran ako ng lahat
Ikaw ang aking naging kamay
Nang sa akin ay walang dumamaySa puso ko na ikaw lang ang laman
Sa puso ko na sinisigaw ang iyong pangalan
Sa isip ko na ikaw ang hinahanap
Sa isip ko na ikaw ang nag-iisang pangarapSa paglipas ng panahon
Umabot lamang tayo ng isang taon
Nagwakas din agad ang ating relasyon... "Bakit di man lang tayoumabot ng maraming taon?"
Sana sa bawat pagpatak ng minuto
Ang ating alaala ay manatili sa isipan mo
Hiling ko...Gusto ko... Nais kong ipabatid sayo
Ipabatid sayo ang nilalaman ng aking isipa't-pusoMahal ko... Ay mali dapat "Sa dating mahal ko"
heto...
Sana'y walang magbago
Sana'y manatili ang koneksyon na meron tayo
Sana'y kahit wala nang tayo maramdaman ko pa rin ang pagpapahalaga mo
Sanay kahit wala nang tayo ako pa rin ang MAHAL MOPero batid ko na sa huling sinambit ko ... Mahirap nang mangyari pa ito...
Mahirap nang hilingin pa sayo na ako lang ang mahalin mo
Sapagkat di na ako ang nagmamay-ari sa puso mo, at maaaring sa di inaasahang pagkakataon makatagpo kang muli nang bagong mamahalin...Mahal ko... Ay mali dapat "Sa dating mahal ko"
Sa totoo lang, naiinis ako sayo
Naiinis ako sayo sa twing pinaparamdam mo sa akin na wala lang ako sayo
Naiinis ako sayo... Ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko kahit na maliwanag naman sa akin na wala nang tayo pero bakit ganun umaasa pa rin ako..."Ganun ba kadaling itapon ang lahat ?"
Mahal ko... Ay mali dapat "sa dating mahal ko"
Hiling ko lang sayo wag mo naman iparamdam na madali akong bitawan
Sa lahat ng ating pinag-daanan nais parin kitang maging kaibigan
Dahil sa salitang kaibigan, yan lamang ang relasyon na aking mapanghahawakan "KAIBIGAN"Wag mo naman ako ituring na estranghero
Hindi naman ako ibang tao sayo
Gusto ko lang naman na maging okay parin tayo..
Kahit ganun lang sana, hindi na ako magtatampo...SA ATING KWENTO NA NAGSIMULA SA MASAYA AY MAGWAWAKAS DIN PALA... KAGAYA NG PAGKAUBOS NG AKING TINTA AT ANG ISANG MALINIS NA PAPEL NA NAGKAROON NA NG LUKOT NA LUBHANG NAGMARKA.. AY DI NA MABABAWI PA...

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poesía(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...