"Huling iyak"

192 3 4
                                    

Parang noong isang araw lang umiiyak ako
Dahil bigla na lang s'yang nagbago
Paasa na nga sya, hindi pa sya gwapo
Ang kapal pa ng apog ng loko

Ngayon naman tumatawa na ako
Dahil sa wakas nagising na din ako sa panaginip ko
Nagising na ako, na hindi nga pala tayo
Buti na lang talaga hindi naging tayo

Bakit nga ba ako papaapekto?
OA lang siguro talaga ako
Pasensya na madrama kasi ako
Pati mga kagaya mo iniiyakan ko

Ganyan talaga kapag nagmamahal ng seryoso
Kaya kahit di naman tayo nasasaktan ako
Sino ba naman ako sayo?
Isang hamak na babae lang naman ako na nahulog sayo

Bakit nga ba ako nasasaktan sayo?
Eh hindi ka naman ang oppa na pinapangarap ko
Hindi ka rin naman si Juanito na mahal ko
Mas lalong hindi ka rin naman maginoo

Nang magsing ako
Napatingin ako sa salamin -
Sinasabi nya sa akin
"Oy! Anong iniiyak-iyak mo? Hindi naman naging kayo?"
Kaya ito, natauhan na ako

Nakita ko na lang sarili kong tumatawa
Masaya naman pala kahit wala ka
Sino ka ba naman para sa akin?
Isang hamak lang na lalaki na sinungaling

Nang bumaba ako sa hagdan
Natisod ako - 
buti na lang may sumalo
At ang sabi sa akin ng sumalalo "Masakit mahulog diba? kaya matuto ka na."
Pati sya gusto na rin akong - 
Matauhan sa panaginip ko

Wala na ngang tayo -
At kahit kaibigan lang ang turing mo
Ang lakas pa ng loob mong saktan ako
Iba ka! Lodi ng buhay ko

Nauntog na ako-
Masaya na ako
Okay na ako
Kaya naman babay na sayo

~~

This is the last. Sayang dahil 'di mo man lang nabasa ang mga tula ko para sa'yo.:(

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon