"Kilos at Salita"

52 2 2
                                    

Natulog lang ako
Ikaw na ang panaginip ko
Nagising lang ako
Ikaw na ang nasa isip kko

Makausap mo lang ako
Kinakabahan na ako
Lumapit lang ako sayo
Nabubulol na ako

Marinig ko lang boses mo
Napapangiti na ako
Masilayan ko lang ang mga ngiti mo
Buo na araw ko

Marinig ko lang tawa mo
Paulit-ulit ko nang naririnig sa isipan ko
Likod mo palang natatanaw ko
Natataranta na ako

Mawala ka lang sa paningin ko
Ikaw na agad hinahanap ng mga mata ko
Nagkatabi lang tayo
Ayaw ko nang umalis sa kanauupuan ko

Sinulyapan mo lang ako
Parang tatalon na puso ko
Kinamusta mo lang ako
Kinikilig na ako

Dati apelyido mo lang ang alam ko
Ngayon, buong pangalan mo kabisado ko
Wala namang bibig ang puso ko
Pero ikaw ang sinisigaw nito

Banggitin mo lang pangalan ko
Tumitigil na ang mundo ko
At habang sinusulat ko 'to
Ikaw ang nasa isipan ko.


A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon