Malayo man sa yakap nya
Di mapipigilan sa panaginip sya'y bumibisita
Ang mga ngiti na bihira makita
Madalas na tumatakbo sa aking isipanAng oras na di sya kasama
Ay parang panulat na walang tinta
Di alam kung paano magsusulat
Dahil sya ang kwento't pabalatPilit na tinatahi ang bawat araw
At kayaning mabuo nang di sya natatanaw
Sa dakong hilaga sya ay lilitaw
At ang bisig nya ang aking yayapusin.Kung sya ang papel, ako nama'y panulat
Ako'y magpapatuloy sa pagtala
Sapagkat, sa lahat ng kabanata
Sya ang may halaga.
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poetry(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...