"Walang titulo"

19 1 0
                                    

Nung sya'y tumalon
Mayroong naiwan
Nung sya'y nahulog
Mayroong nasaktan

Pipili ka lang sa tatlo
Una, mamahalin mo sya ng todo
Pero iba ang kanyang gusto

Pangalawa,
Mahal ka nga nya,
iba naman mahal mo

Pangatlo, pareho nyong gusto ang isa't-isa
pero di naging sapat para umabot hanggang dulo

Patibayan kung sino matitirang nakatayo
Kahit alam nyong sa pag-ibig walang panalo
Masasabi mo lang na di ka talo,
Kung nakuha mo na ang matamis na "Oo"

Pero hanggang saan aabot ang sagot na, "Oo"
Doon ba sa dulo ng walang hanggan
O sa kalagitnaan lang ng pagsasawaan
Mahirap hulaan lalo na't kung di ka sigurado sa nararamdaman

Bato mo na lang sa langit
Baka sakaling tamaan ka
O di kaya'y ito'y sayo'y bumalik
nang maramdaman mo kung gaano kasakit,
ang isang bagay na pilit pinag-didikit

Lumipas na ang nakaraan
Nakatayo pa rin at lutang sa kawalan
Hinihintay kung kailan ka daraan
Baka naman pwedeng madugtungan ang kwentong wala akong balak wakasan.

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon