Mga luha kong bunubuhos
Unti-unti nang nauubos
Parang isang kandila na kung saan ang init ng pagmamahalan ay dahan-dahang nauuposIstorya natin na tila ba isang ilog na di na umaagos
Ang relasyon natin na dumaan sa unos
Hindi ko nagawang mairaos
Kaya ngayon puso ko ay naghihikahos
Naghihikahos sa tindi ng sakit na tumatagosHindi ko lubos maisip na dito matatapos
Wala nang ikaw sa buhay ko na minahal ko ng lubos
Ang hapdi at pait na halos sa akin ay gumapos
Kadena ng masasayang alaala nating dalawa ang tumali sa buo kong pagkatao dahilan para di ako makakilos.Ang hirap dahil hindi ko napaghandaan ang ating pagtatapos.May pag-asa pa bang maayos?
Babalik ako sa nakaraan
Sa kung paano nag-umpisa ang ating pagmamahalan
Kahit pa isa na lang itong kasaysayan
Kasaysayan, ng ikaw at ako na minsang nauwi sa pag-iibigan
Ito parin ay aking babalik-balikan.
Dahil bawat himaymay nito ay aking pinahahalagahanKahit batid ko na, kagaya ng isang kwento sa pelikula
Istorya natin ay matatapos din pala
Tulad ng isang tula na nawalan na ng tugma
O di kaya isang kanta na walang nang melodiya"Mahal ko tayo'y tapos na. WALA NA ! HINDI NA !"
Malapit ka nga pero ang layo mo ay milya-milya
Pero alam mo, napagtanto ko na siguro tama na 'to
Tama na ang paghingi ko ng oras mo
Tama na ang sakit na nararamdaman ko"Tama na pagod na ako."
Gusto ko munang magpahinga at isipin ang halaga ko
Mahal ko, ikaw ang minsang nagbigay ng kulay sa buhay ko
At ikaw ang minsang inalayan ko ng pag-ibig na higit sa sarili koMahal ko, paalam na sayo.
Paalam na sa dating tayo.
Paalam na sa masasayang tagpo ng dating tayo
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poésie(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...