"Unang Pag-ibig no.2"

113 4 18
                                    

Naaalala ko pa ang unang pasok ko sa silid,
Kung saan ang iba ay naglalakad sa gilid.
Naamoy ko pa noon ang mabangong amoy ng bagong pambura;
Nakikita ko din ang bagong uniporme ni Anna
At kasama pa ang bagong kaibigan ni Nina.

Panibagong kaibigan at kakilala
Ano kayang alaala ang aking makokolekta?
Pagmamasdan kami ng apat na sulok ng aming silid-aralan,
Sa samahang mabubuo at panonoorin ito ng aming pisara.

Ingay sa paligid na aking naririnig -
Isang sigaw na nagmula sayo.
Narinig ko na namang muli ang nakakarinding tinig mo,
Heto ka naman ay guguluhin ako.

Mula sa aking likuran, nalipat ka sa aking harapan,
Lilipat ng upuan at magsasalita ng kalokohan;
Bubulong ng panglalait at aasarin ako nang tuluyan,
Hindi ka pa nakuntento, ako pa ay iyong pagtatawanan.

Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?
Araw-araw mo na lang sinisira ang araw ko,
Wala ka nag ginawa kundi ang asarin ako.
Hindi ba nabubuo ang araw mo?
Kapag hindi mo nagawa ang pang-aasar mo.

Nakakapikon ka na,
Gusto mo talaga na palagi akong pinapa-iyak.
Masaya ka ba?
Gusto mo talaga na palagi akong pinagtitripan.

Tatakbo sa palikuran para doon umiyak
Lalabas ako na wala nang luha ang papatak,
Hindi papayag na ako'y iyong asarin
Kaya't kukuha ako ng walis at ika'y hahampasin.

Mamimilipit ka sa sakit at ako naman ang tatawa,
Nakakatawa dahil hindi ka maka-ganti
Isusumbong kita kay maam sa oras na ika'y gumanti.
Mangingilid ang ngipin at maiinis ka sa akin na aking ikatutuwa.

Paulit-ulit na eksena natin noong nasa elementarya,
Bangayan at asaran ng kung anu-anong kalokohan.
Napuno man ng kabwesitan ang ating samahan,
Nagsilbi naman itong kulay sa aking kabataan.

Hindi ko akalain na ang awayan ay magbubunga-
Uusbong pala ang pag-ibig na hindi ko naisip noong una;
Ang dalawang tao na kung mag-away ay aso't pusa -
Ay naging tampulan ng tukso at palagi nang pinagpapareha.
Itanggi man ay hindi na mabubura, mas lalo pa ngang nagmamarka.

Pang-aasaray aki nang nakasanayan,
Hinahanap ko na ang iyong mga kalokohan;
Kalokohang nagbibigay kasiyahan,
At napapangiti nang hindi inaasahan.

Malabo man ay pilit na kinaklaro
Pag-ibig na ba 'to?
Itanggi man sa sarili ay mukhang nahuhulog na ako
Mahal mo din ba ako?

Mga bata pa tayo at hindi pa alam ibigsabihin ng pag-ibig,
Kahit ganoon ay nasisiyahan ako sa puso kong kumakabig;
Napapatakbo at napapatago sa twing nandyan ka,
Tila hindi ko kayang makita ka na hindi ako maganda.

Napapaayos ako, nag-iiba ang boses ko kapag kausap ka.
Ano bang nangyayari sa akin?
Hindi naman ako ganito dati?
Bakit parang ang landi?

Dahil sayo, natuto ako na mag-ayos ng sarili,
Gumalaw ako ng naayon sa aking pagkababae;
Minsan nagpapansin ako para lang iyong mapansin,
Gumagawa ng paraan para iyong ay kausapin.

Sa murang edad, nagmahal ako.
Hindi ko pa man naiitindihan
Alam kong totoo ito,
Dahil ang pusong tumitibok ay hindi nagbibiro.

Hindi mo ba alam na ang araw na 'yon ang hinding-hindi ko makakalimutan,
Nang dahil sayo naging mas makulay ang aking kabataan.
Palagi ko pa ring binabalikan,
Kung paano at saan tayo nagsimula.

Hindi mo man natin aminin sa isa't-isa,
Alam kong mahal mo ko at parehas tayo ng nararamdaman;
Nasasabi ko dahil nakikita ko sa mga mata mo---
Kung paano mo ko tignan at kung paano mo ko itrato.

Alam kong maraming tanong ang nasayang,
Maraming sagot din ang aking hinayaang-mawala;
Nawa'y alam mo ang dahilan kung bakit hindi ko nasagot ang mga iyon,
Takot pa ako at hindi pa handang pumasok sa relasyon.

Sana alam mo din na walang nagbabago,
Kahit pa na may dumating na bago.
Ay hindi ganoon kadali ang burahin ka,
Ikaw ang nagturo sa akin ng pag-ibig kaya mahirap nang nurahin ang nagmarka na.

Kahit pa lumipas ang maraming taon,
Ikaw lang ang ituturing kong unang pag-ibig;
Hindi man ako ang huli sayong pag-ibig.
Masaya na ako na ako ang nauna,
Hindi man tayo ang nakatadhana
gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita kahit may mahal ka ng iba.

Gustuhin ko mang dugtungan ang ating kwento,
Ay hindi ko na magagawa dahil umabot na tayo sa tuldok.
Lagyan ko man ng kuwit ay hindi na rin mabubuo,
Sadyang malayo na't maaapektuhan na ang takbo.

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon