Episode 1
Copy dito Copy doon Copy dyan
Bukang bibig ng mga babaeng kinain na ng korean
Lahat ay excited na mapanood ang bagong labas na drama
Palibhasa gwapo ang lalaking bida
Kung sa iba pa ang tawag ay OppaEpisode 2
Pag-uwi sa bahay, agad na manonood
Nagmamadaling binuksan ang laptop kahit lowbat
Tinatawag na ni nanay, hindi pa sumusunod
Isa pang tawag, tatayo na yan nang padabogEpisode 3
Sa isang tabi kahit parang tanga, tatawa yan
Kinikilig kapag lumabas na ang lalaking hinahangaan
Kahit parang sira sa katatawa
Hindi nya alintana dahil nadadala sa bawat eksenaEpisode 4
Manghahampas pa ng malakas 'yan
Pero mamaya iiyak na yan
Iiyak na para bang sya ang sinaktan
Kung maka-drama akala mo namatayanEpisode 5
Hindi na pinapansin ang assignment
Basta mapunan lang ang kanyang excitement -
Sa susunod na episode ng drama
Inaabangan ang susunod na kabanataEpisode 6
Hatinggabi na hindi pa rin paawat
Sige lang kahit dumadami na naman ang tigyawat
Kahit sa umaga hirap na naman gumising dahil puyat
Girl! Ikaw ay nangangayayat naEpisode 7
Malapit ka na sa sukdulan
Iniisip mo na ang magiging katapusan
Hirap ka na rin na pagtagpiin ang mga kahihitnatnan
Gulong-gulo, litong-lito, hindi mo na maintidihanEpisode 8
Sabi mo, last na episode mo na'to
At ikaw magsisimulang matulog
Sabi mo ulit. Last na talaga 'to
Pero wala pa rin nangyari, hindi ka pa rin natataposEpisode 9
Ang ending mukha kang panda sa eyebags na malulusog
Buti pa ang puso't mata ay nabusog-
Samantalang ang katawan ay parang dinumog
Wala nang taba ang ang nahubogEpisode 10
Ilang araw ka ng high -
Konting kabanata na lang malapit ka nang magba-bye -
Sa Oppa mong hindi ka man lang makapag "Hi"
Hindi ka kasi nya kilala kaya pagtitiisin ang kanyang matamis na smileEpisode 11
Malapit na ang finale pero parang ayaw mo pa rin mag-wakas
Bitin ka pa sa kwento na kanilang ipinalabas
Gusto mo pa ng part 2 -
Pero sorry hanggang dito na lang 'toEpisode 12
Yes! Last episode na
Ano kayang mangyayari sa huling kabanata?
Sila kaya hanggang sa huli ng bida?
Magkakatuluyan kaya sila?Episode 13
Syempre oo -
ikaw lang naman at ng crush mo ang hindi magiging totoo
Masanay ka na hindi lahat ng ending masaya
Masaya lang sa una -
Pero wag ka mag-alala -
Binitin ka man nila sa huling kabanata-
Kinilig ka naman sa simulaEpisode 14
Kaya abang-abang ulit sa susunod na drama
Kung saan madami pa ang nakapila
Baka sakaling ito'y mas maganda
At kikiligin ka na naman ng bonggang-bongga

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poesía(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...