Hindi ko alam kung paano sisimulan
Dahil hindi ko din naman alam kung may papupuntahan
Hindi ko nga alam kung mahalaga pa ba 'tong aking nararamdaman
Nalilito din ako't naguguluhanSa isang madilim na yugto
Muli kang sumilip
Sa tagong sulok ng aking puso
Ikaw ang bumalot' tumakipMuli kang nagparamdam
Simula noong huli mo kung kinausap
Hindi ba't sa isang yakap natapos ang lahat
Ni-walang salita ang namutawi sayong mga labiHindi mo nga ako naramdaman
Mas lalong di kita naramdaman
Binalewala mo ko;
Akala ko mahal mo ko.Nang dahil lang ba sa hiya -
Kaya wala kang nagawa
Naghintay ako;
Naghintay ka -
Ang tanga diba?Dalawang taong nagpapakiramdaman
At naghihintayan sa tadhanang - walang ibang ginawa kundi tayo ang paglaruan.Nasaktan mo ko;
Nasaktan kita;
Wala ka namang ginawa -
Pero nagalit ako sayo.Sa panahong yon, napaka-gulo-
Oo ba o hindi?
Aatras o aabante?
Hindi ko alam pero ayaw kong pakampante.Dahil alam kong pagnalingat ako-
Maagaw ka at bigla nalang maglaho
Pero kahit anong bantay ko sayo
Kung wala naman ako papel sa buhay mo,
Wala ding saysay ang paghihintay ko.Ang sabi mo kasi noon-
Maghihintay ka hanggang sa pwede na,
Eh hindi ko naman alam na kasama pala sa paghihintay mo ang paglalandi sa iba.Minahal kita! Sobraa!
Tapos ngayon mo sasabihin sa akin na mahal mo din ako
Sana sinabi mo!
Sana narinig ko sayo!
Sana nagkausap tayo.Hindi yong ganito-
Bumabalik ka tapos meron na akong ibang gusto.
Paano na?
Dadaan na lang ba palagi ang tadhana sa atin?Sana kahit minsan, magtagpo naman tayo dahil minsan naman nya tayong pinagtagpo sa lugar na kung saan una kitang minahal.
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poesía(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...