"Highschool"

27 0 0
                                    

"Highschool sweetheart"

Nagmamadaling tumakbo paakyat
Nang marating ang itaas, dahan-dahang naglakad
Inayos ang sarili at ang uniporme
Sa wakas ay makikitang na naman kitang muli

Sisilip at makikita ka
Nagsusulat at nakaharap sa pisara
Sa tabi ng mga bintana
Ikaw ay aking makikita

Hindi magpapahalata
Dahil ang araw ko'y kompleto na
Sapat na sa akin na nasilayan ka
Didiretso na ako sa aking silid at lalampasan ka

Diretso naman ang daan
Pero lumiko ako't sumabay sayo nang dahan-dahan
Bahagya kong napansin ang ngiti mong marahan
Hindi maikukubli ang kilig na nararamdaman

Mga puso na gustong kumawala
HIndi na magawang pigilan pa
Mga kislap ng mata na sumisilip na
Hindi na maitago't nagpapakita na

Ang pangalan mo na nakarugtong ng akin
Sa twing ako'y kanilang tatawagin -
Napapalingon nang hindi namamalayan
Iwasan man ay hindi kayang pigilin

Ang mga matang nagkakasalubungan
Ay parang may kung gustong ipaka-hulugan
Sabihin mo naman nang puso ay magbulungan
Bumulong ka lang ikaw ay aking hahawakan

Parang sa mga titig mo ay gusto kong yakapin ka
Gusto kong hawakan ka
Gusto kong makatabi ka
Pakiusap wag mo kong titigan ng ganyan sinta

Totoo nga na ang unang pag-ibig ay walang katulad
Kahit pa siguro lumipas ang ilang taon
Hindi ka pa rin makakalimutan
Ikaw lang kasi ang nagparamdam ng tunay na pag-ibig sa akin.

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon