"Kita-kita"

23 0 0
                                    

hindi na maganda ang gising
kumilos na parang napipilitan
bumangon na parang nabibigatan
napasinghap nang di namamalayan

maagang nag-umpisa ang araw ko
hindi pa nag-sisimula, nais nang lumayo
gusto nang magtago at sumuko
nawawalan ng gana, hindi na masaya

matagal nang kinalimutan ka
hindi na umaasa na makita ka
pero ano to, hindi pa ako nakakalayo
ikaw na natatanaw ko

pilit na tinago ang mga ngiti
nang hindi mo mapansin ang saya
di mo alam puno na ako ng kaba
limang hakbang palapit sayo

natamimi na ako
parang musika sa pandinig ko
nang muli kong marinig ang boses mo
umaga ko'y inalayan mo ng sigla

parang isang tanawin
nang masilayan kong muli
ang iyong mga ngiti
walang kupas, sing kinang pa rin ng dati

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon