"Mahal ko"

173 5 0
                                    

Sisimulan ko ang istorya ng aking tula
Sa kung paano ang ating pag-iibigan ay nagsimula

"paano nga ba?"

Paano nga ba ang magkaibang mundo'y nagtagpo sa gitna?
Paano nga ba ang mga puso ay nagtugma?
Paano nga ba ang dating dalawa ay naging isa ?

Sa unang nating pagkikita
Wala akong balak mahalin at seryosohin ka
Dahil inisip ko na katulad ka rin ng iba
Na sasaktan at iiwan din ako kapag sawa na

Pero pinatunayan mong ika'y iba sa kanila
Hinayaan ko ang aking puso na maniwala
Hanggang sa, pati ang tala ay kusang magdikta
Ng ating magiging istorya na maitatala

Hanggang ngayon malinaw pa rin sa balintataw ko
Kung paano ako tumugon sa katanungan mo
Bilang kasagutan, isang halik sa pisngi mo ang aking naging tugon sayo
Dama ko ang saya at kagalakan sa iyong puso
Nang sa wakas iyong-iyo na ako

Sa simple mong galaw
Ang puso ko ay pumapaibabaw
Sa ngiti mong nakakatunaw
Ang mundo ko ay bahagyang tumitigil sa paggalaw

Ang puso ay sadyang kumakalabog
Sa bilis nitong tibok nag-iiba ang tunog
Mga selyula sa loob ko na para bang sasabog
Walang duda ikaw nga ay aking iniirog

"Isang kagalakan na ikaw ay masilayan
Isang biyaya sa maykapal ang ikaw ay makamtan"

Tatlong taon na ang lumipas
Pero pagmamahalan natin ay tila ba di kumukupas
Sa loob ng panahong yan
Hindi natin naiwasan ang bangayan
Na nauwi pa nga sa hiwalayan

"Panahong yan di ko alam ko sino ba ang mali
Ako ba o ikaw ?"

Sa gabi unan ang akin naging karamay
Sa gabi naalala kong hawak mo ang aking kamay
Sa gabi kumot ang syang yakap-yakap
Sa gabi presensya mo aking hinahanap-hanap

"Ayoko na. Ang sakit sakit na." Pwede bang bumalik ka na ?"

Yan lamang ang mga tanong ko
Na ang tanging sagot ay na sayo
Sapagkat iniwan mo kong di alam kung ano ang puno't dulo
Puno't dulo... ng iyong paglayo

Di ako tumigil sa panunuyo sayo
Di ako susuko sayo
Kahit pa na tinalikura mo ko
Dahil alam mo ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito..

Hanggang sa ramdam kong wala na...
Sige kukumbinsihin ko ang sarili ko na wala na...
Wala na ... Tama na...

Pero...
Hindi nagtagal ay bumalik ka
Ang mga tanong ay nasagot
Ang sakit na sa akin ay bumalot
Ngayon ay nawala na't nalimot

Ngayon...
Isang bagong yugto ang umusbong
Na sa atin ay lubos na nagpatibay
Hangad ko ang kasiyahan at kapayapaan sa ating dalawa
Anuman ang mangyari, tayo ay mananatiling magkasama

Tulang alay ko naway magustuhan mo...

Mahal ko..

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon