Paglubog ng Araw

14 0 0
                                    

🥀

Alas dos,
Nung nagsimula akong maghintay sayo
Pinilit na pinukaw ang mga matang nagsasarado
Ginising ang talukap ng mga mata ko
Dahil isang magandang larawan ang tatambad sa harapan ko

Alas tres,
Nung matindi na ang sikat mo
Kay tagal pa bago masilayan ang ganda mo
Hinihintay ang paghalik mo sa katubigan
Pero sa ngayon, ang kristal na butil muna ang pagtityagaan

Alas kwatro,
Gaano pa ba katagal ang gugugulin ko?
Tatlong oras na akong nakatunganga sayo
Pero di ko pa nakikita ang pagbabagong anyo mo
Nais ko lang naman masilayan ang mala-kahel na kulay ng kalangitan at ang paghalik mo sa katubigan

Alas sais,
Lumapit akong bahagya dahil sa pagnanais
Nang lumapit hangi'y pinawi ang langis
Sing-lapit na parang isang dipa lang kita
Nakayapak akong tumakbo agad
Nakasayad ang mga paa't dinadama ang gaspang ng kalupaan

Sumasaliw sa hangin ang dahon ng punong niyog
Na naririnig ko hanggang dito ang bawat pagyugyog
Parang biglang bumagal ang oras nang unti-unti ka nang lumulubog

Lahat ay natutuwa't nanonood sayo
Parang hipnotismo kung kami'y humanga sayo
Mga tinging napako
Pusong lumulukso sa ritmo ng alon

Tinig na nagmumula sa mga ibon
Parang awitin saki'y inipon
Talampakan sa buhanginan aking ibinaon
Babalik-balikan ko to kung may pagkakataon

Ang lahat ay naging isang pelikula sa loob ng limang minuto
Unti-unti bumababa't nawawala ang kristal sa dagat kada segundo
Dumidilim ang paligid ngunit di pa rin maalis ang tingin dito
Batid mong kami'y kumukuha ng litrato mo

Di na alintan ang nangyayari sa paligid
Nawala muna ng isang saglit
Ako lang muna at ikaw
Nagtitigan at natutula sa kagandahan

Anong pakiramdam na di man lang kayo magkatagpo ni buwan?
Sa aking isip, minsan lang ngunit mundo'y napapatigil nyo kapag kayo'y nagsasama na
Parang tadhanang pinagtagpo ngunit
Sa huli'y muli rin magkakalayo.

Sa natitirang isang segundo,
Pinangarap kong masilayan kang muli
Sa eksaktong lugar at mismong pagkakataon
Muli akong babalik dito

Hahayaang ikaw sumilip sa kabilang dako
At ako nama'y aasa sa muli nating pagtatagpo
Hihintayin ang muling pagsikat
Na may dalang saya't pag-asa sa bawat isa

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon