Patuloy sa pag-ikot ang kamay ng orasan
Pilit na tumatakbo at paikot-ikot sa lansangan
Nakikipaghabulan hanggang sa ito'y makamtan
Tagumpay na inaasam-asam ika'y maabutanLakad, takbo -
Hanggang ang pagod ay maging kaligayahan
Habang kaya pa ng kalamnan
Kapirasong papel ika'y aming mahahawakanNasa kalagitnaan na kami ng daan,
Malapit na sa sukdulan-
Ngayon ka pa ba namin susukuan?
Gayong naatatanaw ko na ang anino ng kagalakanTitulo ng aming pinaghirapan
Hindi basta-basta bibitawan
Pagod na kaisipan at luhang nag-sipatakan
Hindi ko na mabilang,Mga gabing walang tulugan-
Hindi inabala ang mga matang magpahinga man lang
Sinusuri ang sukat ng kailanman
Kung hanggang saan ang hanggananMayroon ba 'tong katapusan?
Oo, sa tamang oras na di mahahadlangan
Mga buwan na ikaw lang ang lumalaban
Sumusuko na sa mga panang nasa harapanPero masigasig at buo ang pinaglalaban
Hindi kami basta na lamang mabubuwag sa daan
Ilang beses sumadsad at nasugatan
Hindi pa rin natitigilan.Patuloy lang sa pagtakbo,
Makakarating din tayo.
Mabagal man ito,
Mainam naman 'pagkat dumadaan sa proseso.

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poesia(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...