Lumalamig na ang gabi
Tila ba hindi ito kagaya ng dati
Dumadampi ang preskong hangin
Habang sa kisame ang tuon ng tinginAng gabi kong tahimik
Na puno ng pananahimik
Atensyon ko ay napukaw ng isang mensahe
Mensahe na galing sa isang estrangheroTinignan ko ang sabi " Hi" mula sa taong hindi ko kilala
Hindi ko pinansin iyon dahil wala rin naman akong balak na makipag-kilala
Pero may nagtutulak sa akin na dapat makilala kita
Mga mahihinang bulong na ikaw ang dinidiktaNoong una'y wala akong paki sayo
Pero bakit nang naglaon, ako'y napalapit sayo
Hindi na sanay nang hindi ka nakakausap
Sana muli na tayong magkaharapDumating ang araw na iyon
Pananabik sayo na masilayan ka ay walang eksplinasyon
Hindi ko na maintindihan kung bakit ako nagkakaganito
Sa kabilang banda, natatakot ako na na magbago ka 'pag nakita mo koSa una nating pagkikita
Hindi ko maipinta ang nadarama
Kalabog ng puso na hindi ko mapigilan
Pakiramdam na hindi alam ang dahilanSa pagdikit ng mga braso
Isang daang boltahe ang dumaloy
Gumuhit patungo sa puso -
hanggang sa kusa itong ang gumawa ng aksyonAng sarap sa pakiramdam
Paano ko ba ipapaalam ?
Ipapaalam sayo ang tunay na nararamdaman
Na higit lang sa pagkakaibigan ang nais koPero ito ako, ito ako na aamin na sayo
Paano? Paano? Natatakot ako.
Pero lakas loob ko pa ring sinambit sayo
Ang mga katagang ako'y nahuhulog na sayoDug.dug.dug
Sigaw nitong pusong kumakabog
Kasabay ng mga tuhod kong nangangatog
Anumang oras, akoy malapit ng sumabogBawat gabi at araw na kausap ka
Kilig ang tanging nadarama
'yong boses mong kay ganda
Hatid sa akin ay walang humpay na ligayaKahit mainsan lang kita makita
Hindi ako magrereklamo pa
Sapagkat, sa tabi mo ako'y kuntento na
Kapag kasama kita
Buong araw ko'y kompleto na
Sana, sana - hindi na ito matapos pa.Teka ... istorya natin ay matatapos din pala
Nakalimutan kong kasunod ng kasiyahan ay kalungkutan
At 'yon ay hindi ko napaghandaan
Sana ay agad ko na lang nalaman - para hindi ako nasaktanBakit? Bakit? Kung saang handa na akong sagutin ka
'yon din ang iyong pagkawala
Panlalamig at pag-iawas mo na sobrang sakit ... bakit?Bakit ikaw pa?
Hindi ako kayang saluhin
Bakit ikaw pa?
Na hindi ako kayang mahalin
Bakit ikaw pa?
Ang ginusto ko
Bakit ikaw pa?
Ang minahal koBakit nga ba ako tumatangis?
Marahil siguro, sa sakit na labis-labis
Mga kaibigan kong nagsasabi na wag kitang iyakan
Subalit hindi ko pa kaya dahil hindi ko maiwasan
Sapagkat ako'y nasasaktanAking mga katanungan
Ay naghihintay pa rin ng kasagutan
Tinanong kita, sumagot ka
At ang sabi mo, " I'm sorry. Mayroon na akong iba."Kaya ngayon napagtanto ko na
Sa istoryang ito, mayroon lang nag-iisang AKO! AKO!Nag-iisang ako na nagpakatotoo sayo
Nag-iisang ako na nagpahalaga sayo
Nag-iisang ako na umasa sayo
At higit sa lahat ay nag-iisang ako na kahit na walang naging tayo,
Patuloy pa ring nagmamahal sayoGusto ko lang iparating sayo
Wag kang mag-alala, tanggap ko na
Siguro nga hindi pa itinakda
hihintayin ko na lamang ang panahon na kung saan pwede na
Sapagkat, Diyos na ang bahala
Anuman ang maging dikta nitong tadhanaSa maikling panahon na nakasama ka
Buhay ko'y naging masaya
Ang mga simpleng alaala
Pahahalagahan ko ng sobra-sobraWala na akong mahihiling pa
Dahil sapat na sa akin na hanggang ngayon kaibigan pa rin kita
'yon naman ang mas mahalagaHindi man tayo magtugma sa unang istorya
Malay natin baka mag-tugma na sa susunod na kabanata
Wala namang masama kong kaibigan pa rin kita
Ang mahalaga nakilala kitaWala man tayong naging relasyon
Mananatili kang inspirasyon
Sa puso kong punong-puno ng determinasyon
Na matapos ko ang aking edukasyon hanggang sa maging tama na ang ating sitwasyonSa kwentong ito, mayroong ikaw at ako ngunit hindi sapat upang mabuo ang salitang tayo.

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poetry(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...