Dumilim na ang langit
Bumabagsak na ang ulan
Humihip namang muli ang hangin
At naiwan kang luhaanNakasalampak sa kalupaan
Nakatingala sa kalangitan
Hindi pa din napagtanto ang kalungkutan
Sa katotohanang hindi na sya babalik sa 'yong kanlunganNalagas na ang mga dahon sa kakahuyan
Hindi ka pa rin tumitigil -kailan ka ba matatauhan?
Tila wala akong kadalaan
Dahil sa isang chat mo lang tanga na namanPilit kong ipinipikit ang aking mga mata
Upang hindi ko makita kung gaano kayo kasaya
Kung gaano kayo kasaya sa bisig ng isa't-isa
kung gaano kayo kasaya na magkasamaBakit ganoon sa tuwing pagmamasdan ko ang litrato nyo?
Nasasaktan ako...marahil siguro dati pinangarap ko din ito
Pingarap ko din na mahalin mo
Pingarap ko din na maging tayoPingarap ko ang lahat na kasama ka pero nasira at gumuho ng dumating sya
Ay mali, mas nauna pala sya
Nauna sya ngunit hindi ko alam na kayo na pala
Wala akong alam, huli ng malaman koMasakit pa noong nalaman ko, mag-iisang taon na
Ibig-sabihin mukha akong tanga na naniwala sa mga salita mo
Mga salita mong puno ng kasinungalingan
Ang plastic mo..
Mas plastic ka pa sa mga nakilala ko.
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poesie(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...