pangiti-ngiti lang sya,
kahit may dinaramdam sa loob nya
patawa-tawa lang sya,
kahit alam n'yang nasasaktan pa rin syaganyan ang naiisip ko sa twing titignan kita
mukha kang masaya pero wasak na wasak ka na
mga mata mong namumugto
tinutulak ka sa pinaka-masakit na yugtogusto kong lunasan ang sakit na nararamdaman mo
pero paano, kung di mo nakikita ang presensya ko
sa bawat pagtingin ko, sya namang pag-iyak mo
at sa bawat galaw mo, sya namang pagka-hulog koang sakit-sakit makita na ang minamahal ko
tinatapon ng iba't binabalewala
bakit di nya makita ang halaga mo?
gayong kapag ako ang tumititig sayo,
nakikita ko na di ka isang basurakung alam mo lang, may isang tao na binabantayan ka
di sya nasa malayo, katabi mo lang sya
nagmamasid sa bawat kilos mo
at palihim na nagtatago ng pag-sinta sayosana makita mo,
kasi naghihintay sya sayo
sana mapansin mo,
dahil sa kanyang mundo, meron lang "ikaw at ako"
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poésie(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...