"Hi Crush"

639 10 8
                                    

Hi crush,
Alam mo ba napapasulat ako ng isang ng tula
Dahil noong isang umaga
May sumagi sa aking mga mata
Na gumising sa aking natutulog na diwa

Oo, isang gwapong Ibarra ang aking nakita
Tumambad sa akin ang kanyang maamong mukha
Na kahit sa larawan ko lang sya nakikita
Nagdudulot naman 'to sa akin ng saya

Sa bawat oras na nasisilayan ko sya
Hindi ko maiwasan na hindi hangaan sya
Napapasabi tuloy ang puso ko ng, -
"Lintik na pana 'yan Kupido bakit sa akin pa tumama"

Alam mo crush -
Kahit hindi ko sya nakikita
Parating syang dumadalaw sa panaginip ko
Hindi ko na nga alam kung bakit nangyayare 'to.
Bakit ba ako nagkakagusto sa taong hindi ko naman nakikita?

Gusto ko s'yang makita-
Kahit alam kong wala akong pag-asa sa kanya
Ni hindi nya nga ako kilala - ang
Mahalin pa kaya...

Minsan na akong nagtangkang magpakilala -
Pero sadyang inaatake ako ng hiya
At tila ayaw makisama
Kaya hindi ko na lang ginagawa

Para akong sira...
Kasi lahat na lang ng post mo, pinupusuan ko
Kahit hindi naman kapuso-puso 'yung post mo
Parang sira hindi ba?

Mahirap na
Babae ako, hindi dapat ako ang nauuna
Itatago ko na lang 'to sa kanya
Total kahit umamin pa ako wala ding magbabago
Hindi nya na din naman kailangan malaman pa

Hi crush,
Wag mo sanang isipin na napaka-corny ko
Gusto ko lang naman sabihin ang mga salitang hindi ko masabi sayo
Sana kahit dito mapansin mo ako

Kahit mabasa mo lang okay na ako
Pansin mo naman siguro na ikaw ang tinutukoy ko -
sa bawat saknong ng tulang 'to.
Bawat pantig ikaw ang nilalaman nito

Pero isa lang masasabi ko sayo
May sekreto ako - 'yun ang
Palihim akong may pagtingin sayo
Patawad, hindi ko sinasadya ito.

Pero isang masakit na katotohanan ang alam ko-
Na kahit ilang tula pa ang likhain ko
Wala pa ring saysay sayo
Dahil iba ang mahal mo

Nasa bawat pantig nito
Wala pa ring saysay sayo
Pagkat sa iba nakatuon ang attensyon mo
At ako na may pagtingin sayo-
Ay mananatiling nakatago

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon