"Unang Pag-ibig no.3"

95 4 7
                                    

Ilang araw na ba ang lumipas -
Tila ba ang dati ay malapit nang kumupas
Ilang buwan na ba ang nagdaan -
At tila ako ay iyo nang kinalimutan

Ilang bukas pa ba ang aking hihintayin-
Upang muli kang makapiling
Ilang umaga pa ba ang aking haharapin -
Upang muli kang maging akin

Ilang taon na ba ang nakararaan
Tila ako ay hindi na kailangan
Bakit hindi mo na ako nakikita?
Parang isang hangin na lang ako na iyong pinapakiramdaman

Hindi na magawang ipikit ang mga mata
Ilang araw na rin na ikaw ang aking nakikita
Sa aking panaginip ay ikaw ang bumibisita
Marahil ako'y nagungulila

Hindi ko alam kung bakit ganito
Pero ang isipan ko ay ikaw na naman ang nilalaman nito
Bakit ang anino ng nakaraan mo sa akin ay palagi pa ring nakadikit sa akin?
Hindi ko makita ang liwanag ng dahilan sa aking isipan kahit aking pilitin

Namimiss na kita -
Naalala ko pa rin ang unang araw na ngumiti ka
Ang unang paghawak mo sa aking kamay
At ang pagyakap mo sa akin ng kay higpit.

Kung maibabalik ko lang ang dati,
Hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin
Ipaglalaban kita kahit hindi maaari
Dahil alam kong ikaw lang ang pupuno sa akin

Ngayon, napuno ng halong pagsisisi ang puso ko
Bakit ko ba hinayaan na mawala ka?
Sana hanggang ngayon nandito ka
Kasama ko't masaya

Ngunit, hindi ganoon ang resulta
Sapagkat ikaw ay hawak na ng iba
Tila ba ang bawat ngiti nyo ang syang nagsasabing "Mahal namin ang isa't-isa"
Konting kirot na tumagatagos sa sistema
Kung sinagot ko lamang ang ilang katanungan
Hindi ka sana malalayo sa akin
Hindi ka sana hawak ng iba
Hindi ka sana magmamahal ng iba

Natakot ako nung una
Kaya hindi ko pinunan ang katanungan
Pero kung nakapag-hintay ka lang sana
Malalam mo din ang tunay na dahilan

Naaalala kita kaya ako napa-sulat
Makarating man sayo 'to
Sana masaya ka, hindi ako manggugulo
Namimiss na kasi kita kaya ako ganito.

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon