"Naiwang nag-iisa..."

243 5 4
                                    

Parang hangin lang na dumaan ka
Hindi mo manlang napansin ang aking presensya
Nakatingin ka kasi sa kanya - sobrang saya nyo ngang dalawa
Samantalang ako nakatingin na sayo - halos kumalabog na ang puso
Napupunit na din ng husto

Sa paglagpas nyo
Mga luha ko'y biglang tumulo
Naiwan akong nakatayo
Mag-isa pa rin at nakayuko

Salamat sa baon kong panyo
Hindi nya hinayaang mag-isa ako sa sitwasyong ito
Kahit papaano may dumamay sa pag-iisa ko
Buti pa ang panyo, niligtas ako sa pagtulo ng mga luha ko

Mga luha na hindi malaman kung may halaga ba sayo
Na dapat bang umiyak ako nang dahil sayo
O dapat hindi na lang dahil walang namang nabuong tayo
Nararapat lang na kalimutan na lang nararamdaman
at lumakad papalayo sayo

Luhaang puso -kawawa ka naman
Hindi ka manlang nilingon ng iyong minamahal
Tanggap ko na ang lugar ko sayo pero
May kirot pa rin na hindi ko maiwasan

Magpapatuloy ako sa paglalakad hanggang sa hindi na kita matanaw
Nang sa ganun hindi kita maisip araw-araw
Sa mga alaalang hindi na magbabalik-tanaw
Paroroon ang tingin ko sa positibong bagay na mangyayari balang-araw

Hanggang sa muli
Salamat sa pagtatagpo ng ating landas
Kahit isang sandali
Iisipin ko ang isang wakas

Sa direksyon mo wala na ako
Maglalakad ako ng diresto at hindi na lilingon pa
Kahit ano pang bulong ng puso
Titiisin ko, wag lang muling mapatingin sayo

Patungo ka man sa kaunluran
Hindi mo na ako masisilayan
Sa silangan man yan
Ang aking pagmamaal ay hindi na muling sisikatan

Nag-iisa man akong nakatayo mula sa kinaroroonan nyo
Asahan mo ang suporta ko
Masaya na rin na ganito tayo
Ituturing ang bawat isa na parang mga estrangero

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon