"Maingay ang gabi"

22 0 0
                                    


silang masaya kasama
ang may pinaka-mabigat na dinadala
mga nangungusap na mata ay di maitago
mistulang nagniningning sa munting butil na umaagos dito

kalakip ng isang hikbi,
ang isang sigaw ng damdaming di maikubli
kung sa dapit hapon, lumulubog na ang araw
sila namang pagsikat sa balik- tanaw

mga bibig nilang may busal
takot na magsaad ng pag-usal
animo'y mga tala na nagbabantay sa gabi
at gising na gising ang diwa sa paghahanap ng sarili

tanging apat na sulok ng kwarto ang sandalan
wari'y isang kulungan ng katahimikan
na walang sinuman ang pwedeng pagsabihan
kaya kahit anong bigat, kanyang pinag-titiisan

ang hanging dumampi sa kanyang balat
ay naghatid lamang ng panlalamig at emosyong maalat
tila ba, kahit nandyan ang kanyang mga kaibigan
wala nang init at di na nya nararamdaman

kung ang isang madilim na silid ang kanlungan nya
at ang pader ang sandigan nya
sino ang pagsasabihan nya?
Maibubulong nya ba sa hangin kung pati ito'y di na sya naririnig?
Meron pa kayang dadamay sa kanya?

kung ang luha na lang ang nagsilbing salita
May makakapansin kaya?
kung ang pag-ngiti't pagtawa nya ang kanyang maskara
May makakapansin pa kaya?

walang syang pundasyon para tumayo
kung kayat piniling maupo't magmukmok
walang syang boses para sigaw ang sakit

kung kaya't minabuting ilihim ang pait

wala sa katawan, laki o hugis ang pagiging matapang
dahil sa mga luha pa lang, pinatunayan na nya
at araw at gabi kung ito'y kanyang nararanasan
na bawat segundo ay isa syang nakikipaglaban.

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon