S'ya 'yong paboritong kong paksa
Sa bawat tula kong hinuhulma
S'ya ang tamang bilang ng letra
Sa bawat tula kong may tugmaSya ang kahulugan ng bawat saknong
Na kalauna'y naging sagot sa aking mga tanong
Sya ang larawang di kumukupas
Kahit pa isang daang taon ang lumipasS'ya ang naglalarawan sa bawat pantig
Na nagbibigay kulay sa himay ng katinig
S'ya ang awitin na nais kong marinig
Nang may hiwagang napapabilis nya ang pusong pumipintigS'ya ang simula at katapusan ng aking malayang tula
Kung mabasa nya man, ako'y nagagalak ng sobra
Nawa'y ang matamis na ngiti sa kanyang labi'y magmarka
At sana'y ito'y maging baon nya sa kanyang pagtulog.
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poetry(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...