Kung digmaan lang ang pag-ibig mo
Marahil ay talo na ako
Matagal na akong nasawi sa labanang ito
Armas niya'y baril at akin nama'y palasoSa isang kalabit ng gatilyo-
Agad na didiretso sa sentido
Kung gugustuhin, pwede itapat patungo sa puso mo.
Bago pa tumama ang akin, naunahan na nya akoKaya sa kabilang dako
Ako'y tatakbo palayo
Babaliin ang palaso na dapat ay para sayo
Hindi mo maririnig ang hikbi ng puso koHindi ka gumamit ng dahas
Pero nag-iwan ng bakas
Hindi mo ko kalaban
Ngunit ako'y iyong nasaktanDapat ko nang lisanin ang kanluran-
Kung saan naganap ang digmaan
Wala akong dahilan para ikaw ay ipaglaban
Dahil palubog na ang araw ng aking nararamdamanTutungo ako sa silangan-
Hindi dahil ikaw ay aking sinukuan-
Kundi para hintayin ka sa ating tagpuan
At kung di kita roon masilayan, hahangarin ko na lang ang iyong kaligayahan-
Marahil ay nababagay kang manatili sa bisig ng kanluran.
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poetry(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...