"Aklat nating dalawa"

129 5 9
                                    


I

Sa apat na sulok ng aking kwarto

Katahimikan ang syang namumuo

Ang dating ikaw at ako

Ay bigla na lang naglaho

Tanging naiwan nalang ang salitang ako

II

Paano nasira ng ganito?

Ang relasyong iningatan ko

Ang relasyong pinahalagahan ko

Ang relasyon, na kung saan inalay ko ang buong buhay ko

III

Ngayon, isa-isa kong ginugunita,

Ang ating mga alaala,

Na nakasulat sa bawat pahina ng aklat ng pagmamahalan nating dalawa.

Hindi ko mapigilan,

Ang mga tumatakbo sa aking isipan.

IV

Mga katanungan na wala pa ring kasagutan

'Pagkat di ko lubusang maintindihan

Ano nga ba ang iyong dahilan?

Dahilan, para ako iyong iwan

V

Saan ako nagkulang?

Hindi pa ba ako sapat?

Bakit hanggang dito na lang?

Hindi ba ako karapat-dapat?

VI

Ilang buwan palang tayong magkasama mahal ko

Pero, sadyang tadhana ay mapaglaro -

At tayo'y pinaglayo

Relasyong inakala kong hanggang dulo

Nalihis ng takbo

VII

Oras-oras, segu-segundo at minu-minuto

Kung silipin ko ang cellphone ko

Umaasang makikita mo ang mensahe ko sayo

Hinahangad na makausap ka sa konting panahon na ilalaan mo

VIII

Gusto ko lang naman itanong sayo

Ang mga dahilan mo

Dahilan para bitawan ako

Paulit-ulit na gumugulo

IX

Sa isipan ko

Mga katagang binigkas mo " hindi na kita mahal, nagsasawa na ako, palayain mo na ako."

Nang marinig ko ito;

Nanikip ang dibdib ko;

Tila mundo ko ay biglang gumuho

Unti-unting pinapatay ng mga katagang ito ang puso ko;

Na para bang hinihiwa ng kutsilyo hanggang sa magkapira-piraso.

X

Bakit mo nga ba nasabi ito?

Kailan lang masaya pa tayo

Batid ko naman na maligaya ka sa tabi ko

Batid ko naman na mahal na mahal mo din ako -

'pagkat ramdam ko ito

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon