"Bayan"

86 2 4
                                    

Sa pag-usbong ng makabagong panahon,

Nagbago na din ang ating henerasyon.

Lumalala pati ang administrasyon,

Mga pangako't plano'y naging ilusyon.


II

Mga kabataang nagkalat sa lansangan,

Naging salot at kanser na ng lipunan.

Nasaan na ba ang pag-asa ng bayan?

Nilamon na ng kanilang kamundahan.


III


Kapaligiran na s'yang nilapastangan,

Maniningil ng buhay sa karamihan.

Mga maharlikang ganid sa kayamanan,

Di maawat sa pag-angkin ng upuan.


IV


Isa lang sigaw ng bayan, Hustisya!

Nananalig sa natitirang pag-asa.

Kumapit tayo at manampalataya,

Para sa'ting bayang naghihikahos na.


PS: Wala akong minimean na kahit ano sa tulang 'to. Gusto ko lang isulat 'yong nasa isipan ko at napapansin ko sa paligid ko. Wala po akong pinapatungkulan na kung sino o pinapatamaan. Proyekto po kasi namin 'to sa literature namin. Salamat. :)

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon