Takot sa bangin ang puso
Dahil sa malalim at delikado ito
Ngunit tatalon para sayo
Kung ikaw naman ang sasaloSusugal kahit walang pang-taya ni-singko
Susubukan kung ito'y ikakasaya ko
Wag kang mapagod, hindi 'to karera na salapi ang premyo
Mahuli man tayo, ikaw pa rin ang panaloHindi paunahan kung sino ang magiging taya
Mahalaga masunod ang tadhana
Patas naman 'to, akala lang nating may daya
Dahil sa kawalan ng tiwala at pagtityagaIbulong mo lang, nakikinig naman ako
May tamang oras para sa mga sagot ko
Wag kang malilito, sumulyap lang sa mga mata ko
Makikita mo ang destinasyon na nais mo.At kung maligaw man ako
Sayo ko nais magtungo
Ihahatid ako ng mga kamay ng oras
Sa daan na ikaw ang dulo ng landasMagiging gabay natin ang tala
Nasa tuwing titingala, ningning ng 'yong mga mata
ang aking nakikita,
Hindi ikakaila ang ligaya, sintaNung marinig ko ang iyong bulong
Nasamid at napaurong-sulong
At kung magpapatuloy ang mundo sa paggulong
Dyan sa puso mo, nais kong ako'y iyong ikulong.
Ikaw ang magiging paboritong pasyalan
Na tanging sa akin lang nakalaan
Wala ibang tauhan,
At walang ibang makikialam.

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poetry(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...