Bumabaha ang mga letra
sa aking isipan sila'y nagsasama-sama
nabuo ang mga salita —
na naglalarawan sa kanyaNag-uunahan ang mga tugma
na mailapat sa bawat patak nitong tinta
nais magbigay buhay sa nag-iisang pahina
Siya ang aking pahina na nilapatan ko ng mga salitaIto ang magpapanatiling buhay sa kanya
kahit alam kong sa kanya'y, ito'y walang halaga
Nagmamadaling gumagalaw ang kamay
Natataranta sa pagbuo ng piyesaNgunit nanlalabo ang aking mata
At di ko na mabasa —
Namumuo na pala —
ang aking mga luhaDahan-dahan itong pumapatak paibaba
kasabay ng mga salitang naglalarawan sa ating dalawa
Mali, wala pa lang ikaw at ako sa ating dalawa
Isa lamang akong kaibigan
Na iyong malalapitan sa oras ng pangangailanganNais kong paglapitin ang ating bituin sa tala
Ngunit, paano ko gagawin kung tuso ang tadhana
Kaya makukuntento na lang sa kung ano ang aking nakikita
Sa maikling oras na kasama ka—
Ay sobra ko nang ikasasaya.Tinta, Empress

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poesia(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...