I
May alam ka bang misteryo?
May alam ako. Sasabihin ko sayo.
Nakatago sya sa pusod ng alaala mo -
Ibinaon sa sugat na iniwan ng multo.
II
Nakakasindak ang bawat kaganapan
Kaya't itinago't kinalimutan
Nagmumulto ang anino ng nakaraan
Gugulatin ka't mawiwindang
III
Wag kang maingay,
Maraming nakikinig na galamay
Nagkalat sila at sayo'y sumasabay
Itutulak ka't mahuhulog sa hukay.
IV
Mga mata na buhay sa gabi
Nagmamasid sa tabi-tabi
Naghihintay ng kanilang biktima
Wag lilingon kung nais pang makabalik pa
V
Gumagalang kaluluwa ng nakaraan
Pilit na hinihila ka
Samama ka pa ba? Kung sasaksakin ka na naman
Ililibing ka't ikukulong sa hukay na kanyang ginagawa
VI
Wag magpadala sa kanyang mga bulong
Nakakaakit man, ika'y matutong mabingi
Naghahanap sya ng dugong maiinom
Hanggang sa pati ang puso mo ay kanyang kainin
VII
Sumilip ang kabilugan ng buwan,
Hudyat ng paggising mo, kaya't mata'y iyong imulat
Anino na lamang nya ang nagmumulto
Isa na lamang s'yang misteryong nanggugulo
Bakit pa't binabalikan mo?
~***~
PS. Pahabol sa Halloween!
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poetry(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...