Napakahusay.
Napamangha mo ko sa iyong angking galing sa pag-arte - kung saan ang puso ko ang ginawa mong entablado
Kumilos ka at umakto ng palabas na bukod tangi
Isang palakpak at papuri para sa makatotohanang pagpanggap mo.Sa'yong mabulaklak na salita nahulog ako
Sa'yong mga nakakatunaw na tingin, nakuha mo ang atensyon ko
Sa'yong kilos napaniwala mo 'ko - pati mga manonood namangha sa pagganap mo
Napaniwala mo ko na totoo ang lahat ng napapanood ko.'Yon pala masyado lang akong naaliw sayo, hindi ko napansin na nanonood na pala ako sa sarili kong katangahan sayo -
Ako 'yong bidang babae na pinaluha mo
Pinaniwala mo ko na totoo ang pag-ibig mo
Ako 'yong bidang babae na pinaikot mo sa palad mo
Pinaniwala mo ko na mahal mo koPero ang totoo, hinihintay mo lang ako na sumuko para may dahilan ka ng bitawan ako.
Sa ginawa mo sa akin,
Maaari na akong parangalan dahil sa dami ng luhang ibinuhos ko
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang magpanggap -
Kung sa una pa lang pwedi mo ng aminin ang totoo.Totoo na hindi ka pala seryoso -
Na hindi namang totoo ang pagmamahal mo.Bakit?
Isa akong kawawang bida na humihingi ng limos na pag-ibig mo
Isang bidang pinaglaruan at pinaasa mo
Ako 'yong bidang babae na naaliw sa palabas moNgayon, tapos na ang palabas -
Nagsara na ang kurtina ng entablado
Malaya ka ng gawin ang nais mo
Hindi na ako muling eeksena pa sa buhay mo.Kaya sa pagtatapos ng istorya -
Muli akong haharap sa madaming manonood na may masayang ngiti
Muli kong haharapin ang sariling kwento ko na hindi kasama ka
Naniniwala na sa bagong yugto ay walang ng aktor na kagaya mo.

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poezja(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...