"Kapit"

44 2 1
                                    

Bahagya akong napahinto,

Nang biglang may lalaking nakasandal sa pinto

Akala ko si Ibarra, hindi pala.

Isa pa lang modernong Ibarra na maamo ang mukha.


Sa twing tititigan ko sya,

Umuukit sa aking isipan ang kanyang itsura.

Bawat sulok ng kanyang image ay aking sinusuyod,

Mabantayan ko lamang ang 'yong kilos na nakakalunod.


Hindi ako makahinga,

Humigpit ang panga,

Naninikip ang dibdib,

Nagsisiksik ang mga kuliglig.


S'yay aking pinagmamasda,

Sa 'di kalayuan, s'yay may ibang tinitignan.

Malayo sa katulad ko.

Mala-perpekto ang anyo.


Hindi ipipilit kung masakit.

Iiwasan ko kayang pigilan.

Magmamahal kahit nasasaktan.

At kahit kumikirot, puso'y patuloy na kakapit.

~~~

photocreditstotheowner//itisnotmymine




A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon