Kakampi

12 0 0
                                    

🥀

Dating maingay na lansangan
Ngayo'y sinakluban ng katahimikan
Mga taong naglakakad sa daan
Ay bigla na lang nagsipag-taguan sa kanilang mga tahanan

Dating kalsadang napupuno ng mga sasakyan
Ngayo'y ni isa wala kang makikitaan
Mga bukas na tindahan
Mabilis na nagsipag-sarahan

Dating gawain na may kalayaan
Ngayo'y di maari dahil pag-iingat ang kailangan
Mga nakasanayan dapat munang hayaan
Para sa ikabubuti ng karamihan

Dating mainit na paghawak
Ngayo'y dapat munang iwasan
Ang beso-beso sa mga kaibigan o kasintahan
Ay marapat lang na pansamantalang pigilan

Dating abalang kapaligiran
Ngayo'y tila nagkaroon ng kapahingahan
Mga bagay na di mo inaasahan
Mangyayari pala nang biglaan

Dating malusog nilang mga katawan
Ngayo'y dinapuan ng karamdaman
Mga taong kalusugan ang yaman
Bigla na lang binawian

Sa di masabing dahilan
Dumating ang kalaban na sisira sa ating mga iniingatan
Sumulpot sya ng wala tayong kahandaan
Ngunit, may Isa tayong kasama na lalaban

Sya na mas alam ang hakbang na pagdadaanan
Sya na mas may kakayahang puksain ang kalaban
Sya na mas higit na makapangyarihan
At Sya na kaya tayong protektahan

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon