May mga letra gustong kumawala
Nais nang maging malaya
Sa isang kwadro nagtago sila
Nagmukmok at matagal na namahingaIbinaon at kinalimutan
Ngayo'y siyang babalikan
Nananabik sa paglikha
Na tila pintor na sabik sa pagpintaAng mga salitang kumawala
Bumuo namang mga tugma
Nagalak ang puso't natuwa
Sa mala-hardin ng mga tulaNag-ugat sa kasinungalingan
Naglaon, tumubo ang kalungkutan
Nagbunga ng malikhaing kaisipan
At naglakbay sa bawat kalye ng balagtasanNatuto sa bawat aralin
At naging malikhain
Naglaro sa saliw ng awitin
At tila mga salita ay naging kanyang himig
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poesia(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...