i
Sa paglitaw ng araw -
ang ating mga paa'y sabay na gumagalaw
Sabay na humahakbang sa iisang daan
na wari'y ngumingiti ang langit sa t'wing tayo'y nasisilayan
ii
Napapahampas ang hangin sa ating mga balat
Nagsasaya ang mga dahon at sila'y sa daan ay nagkakalat
Tawagin man ng kalungkutan, sasaya pa rin kahit buha'y minsan maalat
Kay gandang kwento, ang sarap isulat.
iii
Nakaupo ako sa ilalim ng punong kahoy at pinagmamasdan sila -
ang mga taong bumuo ng taon at buhay ko.
Nagtataka ako kung paano ba nagsimula -
na sa lumang pahina ay nalapatan ng bagong kwento.
iv
Sinong tatawagin ko kapag gusto kong ngumiti?
Edi si Ella - na payat pero tumaba na.
Amazona sya dati pero ngayon mabait na.
Paano kung gusto kong tumawa?
Edi tawagin mo si Roxanne - na kaibigan nya.
Sagot na nya ang walang-kwentang biro, basta ikaw na bahala sa tawa.
Gusto ko nang may pagtitripan?
Yon lang pala e, edi tawagin natin si Regina, yayain natinang dalawa
para pagtripan sya.
Tiyak kompleto na araw mo, may bonus ka pang sakit ng panga.
Ang saya na sana kaso may problema ako.
Problema ba yan? Nandyan si Ella at Jaycelle para magbigay payo.
Hindi lang payo ibibigay nila sayo pati saki ng ulo.
Okay na ako, nga lang may sekreto ako.
Sekreto ba kamo, nandyan si Liecel na mapagsasabihan mo ng sekreto kung kailangan
mo nang sumabog. Matibay yan, hindi basta-basta napipiyok.
Nagtataka na nga ako, hindi pa sya sumasabog sa dami ng tinatago.
Biruin mo sa kanya kami nagkikwento.
v
Pagsmahin natin silang lima -
para kompleto na ang barkada.
Isama nyo na din ako na tahimik at maldita
- sabi nila.
vi
Ang dami nang nagbago
Ang kayumanggi ay puti na.
Ang kilay na tuwid ay kurba na.
Ang katawang payat ay taba na.
At ang edad ay nagbabago habang
ang tangkad ay nananatili pa ring numero.
vii
Napakatagal rin nang simula ko itong balikan -
Hindi mabilang na kasiyahan at kalokohan.
Mga musmos pa at di pa alintana ang hinaharap -
Mula sa kung paano nabuo ang pangarap
hanggang sa pangrapin ang pangarap.
vii
Nagbabago ang taon, lumilipas ang panahon.
Unti-unti nitong kinukuha ang mga oras nating magkakasama
Panakaw-oras na lang kung tayo'y magkita-kita
Hindi na mabuo-buo ang barkada.
viii
Ang dating sabay na naglalakad sa parehong daan -
Ay humiwalay na't pinili ang ibangdireksyon.
Ito ang katotohanang dapat tandaan -
'Di sa lahat ng panahon, kagaya pa rin sa dati ang ating sitwasyon.
ix
Naisin ko man ibalik ang oras na nakalipas -
Ay di ko na magagawa.
Tanging ang paglipat na lang ng pahina ang aking kaya.
Sa isipan at imahinasyon ko na lang mabubuo
At sa pagsulat ko na madudugtungan ang ating mga kwento.
x
Angkinin nyo ang bawat sukat at tugma -
Kayo ang salamin ng bawat letra.
Nilalaman kayo ng aking libong pahina
At ng daan-daang kabanata.
~~~
PS: Dedicated 'to sa mga friends ko na nag-stay pa rin sa akin kahit ang maldita ko. Hahaha namiss ko lang sila kaya napa-drama ako. :)
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poesía(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...