Mag-isa akong naglalakbay sa daan ng buhay
Nang sa kalagitnaan ng biyahe bigla kang sumakay
At tumabi sa akin-
Nakipagkilala't nakipagkwentuhan
~
Sa katagalan ng biyahe-
Tila nagugustuhan ko na ang mga pangyayare.
Masaya ako sa iyong tabi-
Tila ayaw ko ng pumara-
Nais ko na lang na makasama ka-
~
Kahit saan pa 'to mapunta.
Ikaw lang gusto ko makasama-
Sana hindi na ito matapos pa,
Pero habang masaya na ang lahat-
Saka naman nag-iba ang ihip ng hangin at naging maalat
~
Ninais mo ng pumara dahil ikaw ay pagod na,
Pero bakit,
Isang babae ang nakita kong sumalubong sayo iyong pagbaba-
Nainip ka nga lang ba talaga?
O, nais mo lang makababa para makasama sya?
Ayaw mo bang umabot tayo sa dulo?
O, nais mong lang iwan ako.
~
Ang sakit dahil sa biyahe ako na lang mag-isa-
Hindi ko man lang nagawang bigkasin ang
"Mahal kita."
Kahit isang segundo man lang, lumingon ka.
Hahabulin at hahawakan kita, hindi hahayaang makababa ka.
~
Patawad dahil ipagdadamot kita
Hindi kakayanin ng puso ko na makita kang kasama sya
Kahit magalit ka.
hindi kita ibibigay sa kanya.

BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poésie(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...