matagal nanahimik
ngunit, nagimbal nang sya'y dumating
buhay muling nayanig
at kasiyaha'y muling nanumbalikmga tinging sa kanya naibaling
wari'y mga ngiting di mapigil-pigil
Titig ng mga mata'y nanlalagkit
Habang ang hawak ng mga kamay ay humihigpitang lukso ng dibdib ay nangangalit
na parang tumitibok ng walang atubili
pumipintig pag sya na ang katabi
wala namang mga paa pero tumatakbo ng mabilishumiling ng tama pero binigay ay higit
dating malayo ngayo'y magkalapit
tatlong hakbang palapit,
yakap nya'y aking nakamit.
BINABASA MO ANG
A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]
Poesía(RANK #2 IN TULA) May nakikinig ba sayo? Kung meron man, siguro bihira lang. Gusto mong isigaw 'yong nararamdaman mo pero walang nakikinig. Ang daming salit na namumuo sa loob ng isip mo pero ni-isa walang lumabas sa bibig mo kaya ang ginagawa mo, n...