Sa Letrang P

23 2 0
                                    

Nung naubos ang tinta sa maling tao
Nawalan na rin tugma ang mga salita
Ngunit, dumating ang nagbigay ng bagong pluma
Hinikayat akong magsulat ng isa pang tula

Kahit walang gana, muling sumubok
Mahirap dahil walang mga salita sa aking isipan ang pumapasok
Di kagaya ng dati na ang mga letra ay
Parang bulalakaw na bumubulusok
Ngayon, parang isang ningas na puro usok

Matagal na oras ang ginugol
Panahon para muling sumibol
Ngunit, ngayo'y handa na akong simulan
At ilapat muli ang mga salitang ikaw ang dahilan

Sa isang tabi ako'y nakayuko
Ngunit inabala nya ang kanyang sarili na alukin ako
Inaalay ang dalawang kamay sa harapan ko
At sa pagsilip ko, dumungaw ang isang ginoo
Na sa bawat mga titig, natigilan ako

Kung di nagbibiro si Kupido
Gusto kong magseryoso
Di ko hahayaang daanan lang nya ako
Dahil gusto kong sumama kung saan man sya tutungo

Kahit pa ito'y malayong paglalakbay
Sa kanyang paglalakad nais kong sumabay
At sa hiram na oras, iduduyan ang mga magkahawak na kamay

Dalawang tao sa magkaibang mundo
Nagsimula ng isang panibagong kwento

Wala man silang matatawag na "tayo"
Meron naman "ikaw at ako" para mabuo ang istorya ng pag-ibig na 'to

Hindi kailangang tumakbo
Dahil di nagmamadaling mabuo ang tayo
Ayaw lang na madapa,
At saka lang maisip na tayo pala ang talo

Pangako, yung ikaw at ako
Magiging tayo.
Yung dalawang tao,
Magiging iisa na lang ang tibok ng puso

A Thousand Pieces Of Love (Spoken Word Poetry) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon