Chapter 5

7.5K 177 65
                                    

"Good morning po," magalang na bati ng dalagita. "Ara na lang for short," anito.

"Good morning din sa 'yo, ako naman si Fate," pakilala niya sa sarili. "It's nice to meet you, Ara," aniyang hindi maalis ang tingin sa dalagita. May pakiramdam siyang nagkita na sila dati ngunit hindi niya lang maalala kung saan at kailan, pamilyar ang mukha nito sa kanya.

"Kalilipat lang niya noong isang araw," singit ni Aling Milagros. "Doon siya titira sa bakanteng silid sa third floor."

Napatango siya at muling pinasadahan ng tingin ang dalagita. Hindi basta-basta tumatanggap ng boarder ang landlady niya, marahil ay naninibago lang siyang makita na may ibang tao sa bahay.

"First day of school ko po ngayon, kaya mauuna na po akong umalis," paalam ni Ara sa kanilang lahat. Tumayo na ito at isinukbit sa balikat ang backpack nito. "Marami pong salamat sa almusal."

"Huwag mong sabihing tatakas ka na?" nakalabing kantiyaw ni Camille habang nakasunod ang tingin sa dalagita.

"Baka ma-late ako sa klase, mamaya na lang ulit, manang." Nakangiting asar ni Ara kay Camille bago tumalilis ng alis.

"Halika ritong kutong-lupa ka! Sinong manang ang tinatawag mo? Humanda ka talaga sa akin kapag naabutan kita!" Nanlalaki ang butas ng ilong na wika ni Camille at tumayo sa kinauupuang silya.

"Tigilan n'yo na nga 'yang asaran n'yong dalawa," saway nang nangungunsuming si Aling Milagros. Kinawayan nito si Ara na umalis na at sinenyasan si Camille. "Maupo ka na at uminom ng kape."

Tumalima naman ang dalawang babae, lumabas na si Ara at naupo naman si Camille. Napailing na lamang siya sa away-batang bangayan ng mga ito.

"Noong isang araw lang siya dumating, pero mukhang close na agad kayong dalawa?" biro niya kay Camille. Humila siya ng silya at naupo katapat nito.

Lumapit si Aling Milagros at agad siyang inabutan ng tasa ng kape. Nagpasalamat siya at malugod iyong tinanggap.

"Makulit kasi, tawagin ba naman akong manang? Etong ganda kong 'to? Mukha ba akong manang sa paningin mo?" sabi nitong nanghahaba ang nguso. "By the way, huwag mo na kaming pansinin."

Natawa siya. "Cute n'yo kayang dalawa."

Natawa rin si Camille at nagkatawanan silang dalawa. "Sige, tawa pa, kapag 'di ka pa nagmadali baka ma-late ka na."

Nabitin sa ere ang tangkang paghigop niya ng kape. Nanlalaki ang mga matang bigla siyang napalingon sa babae. Lunes nga pala at may pasok siya sa school. "Bakit, anong oras na ba?" tanong niya.

"Mag-a-ala-siyete na." tugon ni Camille.

"Huh? Bakit ngayon mo lang sinabi!" bulalas niya matapos ilapag sa ibabaw ng lamesa ang hawak na tasa ng kape.

"Malay ko, hindi ka naman nagtanong kanina," maang na sagot ni Camille.

Nagmamadaling iniwan niya si Camille at umakyat ng hagdan pabalik ng silid niya. Hindi magkadaugaga na mabilis siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili.

Binilisan niya ang kilos at pagkalipas ng sampung minuto ay nakabihis na siya ng uniporme at handa nang gumayak. Humahangos siyang lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. Nang makalabas ng gate ay agad siyang pumara ng tricycle at nagpahatid sa eskuwelahan. Sa mga araw na hindi siya nagmamadali ay nilalakad lang niya ang daan patungo sa eskuwelahan. Katapat lang kasi iyon ng subdivision kung saan siya nakatira.

Tumigil ang tricycle sa tapat ng bakal na gate ng eskuwelahan, matapos iabot ang bayad sa driver ay bumaba na siya. Tila nakikipagkarera sa kabayo na tumakbo siya papasok ng gate. Tapos na ang flag ceremony kaya dumiretso na lang siya sa main building ng school kung saan naroon ang faculty room ng mga guro.

Fated Lovers: Kaluwalhatian Chronicles Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon