Chapter 3

8K 213 87
                                    

Mainit at nakakapaso ang mga labi ng lalaki. Halos mapugto ang hininga niya sa mga halik nito. Nagpumiglas siya at itinulak ito palayo, ngunit lalo lang siya nitong hinapit palapit. Natatarantang pilit siyang nanlaban. Kinagat nito ang pang-ibaba niyang labi, napasinghap siya sa sakit at napaawang ang kanyang bibig, mabilis nitong sinamantala ang pagkakataon at pinalalim ang halik.

Tinukso-tukso ng mga labi nito ang mga labi niya at muli siyang napasinghap. Unti-unting naging masuyo ang paghalik ng lalaki at unti-unti nang natatangay ang pakiramdam niya. Nanlambot ang mga tuhod niya at wala sa loob niyang naiyakap ang mga braso sa leeg nito.

Kinakapos ng hininga at tila nauuhaw na ginantihan niya ang halik ng lalaki. Gumapang ang palad nito sa kanyang dibdib at noon siya nahimasmasan.

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang pakiramdam, natutuliro ang utak na malakas niyang itinulak palayo ang hindi nakahumang lalaki. Nagtagis ang mga bagang niya at nagdilim bigla ang kanyang paningin, bago pa siya nakapag-isip ay umigkas na ang palad niya at isang matunog na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ng lalaki.

"Bastos! Hindi kita kilala kaya sino ka para halikan ako!" singhal niya.

Hindi nito ininda ang sampal at patuloy lang siyang pinagmasdan. Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito at walang babalang itinukod nito ang magkabilang kamay sa gilid ng kama upang ikulong siya. "Pero kilala kita," kalmado nitong sabi, "at wala kang maalala ngayon."

Natigilan siya, naaasiwang nag-iwas siya ng tingin nang maalala ang sitwasyon niya. "P-pasensiya ka na sa 'kin."

"Hinalikan kita para ipaalala sa 'yo kung sino ako. I'm your husband and your my wife," anas nito sa punong-tainga niya.

Nangilabot ang pakiramdam niya nang dumampi ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg. Mariin siyang napalunok nang matanlong napakalapit ng mga katawan nila sa isa't isa. Napapasong napaurong siya palayo sa lalaki. Gusto niyang kastiguhin ang sarili sapagkat nagpadala siya sa mga halik nito.

Napakatuso talaga ni Amanikable dahil nagawa nitong igisa siya sa sarili niyang mantika. Mapait siyang napangiti.

Hinila siya ng lalaki at ikinulong sa mga bisig nito. Nagpasya siyang huwag nang manlaban at hayaan na lang ito sa gusto nitong gawin. Kailangan niyang makuha ang buong tiwala at loob ni Amanikable upang magawa niya ang binabalak.

Katapusan na nito sa oras na mahulog ito sa inihanda niyang patibong.

"Hinintay kita ng matagal na panahon at ngayong nagbalik ka na sa piling ko, 'di na kita pakakawalang muli, Maganda." Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya na para bang wala nang bukas.

Naramdaman niya sa yakap na iyon ang pangungulila at matinding takot nito.

"Huwag mo na akong iiwan ulit, huwag mo nang sayangin ulit ang buhay mo, handa akong ibigay ang buhay ko sa 'yo ano mang oras na gusto mo," saad nito.

Natigilan siya, sa pagkakataong iyon ay bigla na siyang kinabahan. Mauulit na naman ba ang nangyari limandaang taon nang nakaraan? Kapag pinatay niya si Amanikable, maluwag sa loob lang nitong tatanggapin ang kamatayan nang hindi man lang nagdurusa. Hindi maaaring mangyari ang bagay na iyon, kailangan nitong maranasan ang sakit na dinanas niya bago ito mamatay.

Kumalas siya sa yakap nito, kailangan niyang mag-isip ng paraan. "H-hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo, pero gusto ko nang umuwi," wika niya.

Tila nagulat ito sa tinuran niya ngunit agad ring ngumiti. "Okay, kakausapin ko muna 'yong doktor mo, dito ka lang at hintayin mo ako, pagbalik ko uuwi na tayo," paalam ng lalaki. Masuyo nitong kinintalan ng halik ang noo niya bago ito nagmamadaling lumabas ng silid.

Fated Lovers: Kaluwalhatian Chronicles Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon