Chapter 15

6.7K 84 35
                                    

Tumahip ng malakas ang dibdib niya at parang tinadyakan ang sikmura ni Fate. Tila natuod siya sa kinatatayuan habang hindi maalis ang tingin sa lalaking may tangan ng kanyang kamay. Libo-libong boltahe ng kuryente ang nanulay sa mga kalamnan niya ng mga sandaling iyon.

"M-miguel," usal niya.

Umihip ang hangin at inilipad niyon ang maikli at medyo alon-along buhok ng estrangherong binata na sa tantiya niya ay nasa beinte-uno pataas ang edad.

Nagbaba ito ng tingin. Nagsalubong ang kanilang mga titig. Matamis ang ngiting sumungaw sa mapula nitong mga labi at lumabas ang malalim na biloy sa kaliwa nitong pisngi. Napalukso sa tuwa ang puso niya nang hilahin siya nito palapit.

"Miss, okay ka lang ba?" Nag-aalala na tanong ng binata sa kanya.

"O-okay lang," tugon niyang nauutal.

Halos hindi mapagkit ang tingin niya sa mukha nito. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Walang pagsidlan ang kaligayahan sa puso niya ngunit hindi maiwasan na hindi siya makaramdam ng lungkot.

Ilang saglit na nagtitigan sila ng binata. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo at tanging sila lang ang tao sa paligid. Nais niya itong yakapin ng mahigpit ngunit natatakot siyang baka isa lamang itong ilusyon na bigla na lang maglalaho.

"Bitiwan mo ang asawa ko!" ani Henry.

Kapwa sila napalingon ng binata. Hindi nakahuma na bigla siyang hinatak ni Henry. Nagbabaga ang matang pinukol nito ng masamang tingin ang lalaki.

"Huh? Anong asawa ang sinasabi mo?" Magkasalubong ang kilay na matalim niyang pinukol ng tingin si Henry.

Nagugulumihan na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. "I'm so sorry, mag-asawa ba talaga kayo?" anito na bahagyang umatras palayo sa kanya.

"Oo!" tugon ni Henry.

"Hindi!" saad niya.

Halos magbuga ng apoy ang mga mata niya nang lingunin si Henry. Naiinis na mariin niyang tinapakan ang paa nito. Hindi na siya nakapagtimpi, inuubos ng talipandas na lalaki ang pasensiya niya.

"Huwag kang makinig sa kanya, hindi totoo ang sinasabi ng lalaking 'yan!"

"Pasensiya ka na sa amin. Naglilihi kasi ang misis ko kaya paiba-iba ang mood." Balewalang pinalis nito ang paa niyang nakatapak sa paa nito. Inakbayan siya nito sa balikat at saka kinabig palapit.

"Pasensiya na kung naistorbo ko kayong dalawa." Paghingi nito ng dispensa.

Nagpuyos sa galit ang damdamin niya. Kung nakamamatay lamang ang tingin, marahil ay bumulagta na si Henry.

"Hindi totoo 'yang sinasabi niya! Hindi kami mag-asawa at hindi ako naglilihi!"

Malakas niyang siniko ang tagiliran ng lapastangang lalaki. Napangiwi ito sa sakit at kinabig siya nito palapit. Pilit na itinulak niya ito palayo ngunit parang bato na hindi man lang ito tuminag.

Para silang aso't pusang nagbabangayan sa gitna ng daan. Natigil lang ang away nilang dalawa nang humimpil ang isang puting van sa gilid ng kalsada. Bumaba ang tinted na bintana ng driver's seat at isang lalaking nakasuot ng sunglasses ang dumungaw sa kanilang harapan.

"David," anito sa nakamaang na binata. "We are running late, you have to hurry. Ngayon ang first day mo sa school. So, ano pang ginagawa mo diyan? Tara na."

"I'm sorry. Naglalakad-lakad lang ako," tugon nitong nakangiti. Nagkibit ito ng balikat at sinulyapan si Fate. "I'm really sorry kung naistorbo ko ang LQ n'yong dalawa. I need to go now, bye." Inginuso nito ang naghihintay na sasakyan.

Fated Lovers: Kaluwalhatian Chronicles Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon